Chapter 32

47 10 3
                                    

Anicka POV

Pagkalabas ko ng kwarto ay sumalubong sa akin ang halimuyak ng nilulutong pagkain sa kusina. Napapikit ako habang sinasamyo ang masarap na amoy na iyon.

"Hmm.. amoy bacon." bulong ko sa aking sarili. Mabilis akong naglakad papunta doon at nang papasok na ako sa kusina ay hindi ko napigilang mapangiti nang makita kong masayang nagluluto si Jed. Pasipol sipol pa ito at isinasabay iyon sa tugtog na pinapakinggan niya sa radyo.

Marahan akong naglakad at umupo na sa may dining table. Tila nagulat pa siya nang makita niyang nandito na pala ako. Lumapit siya at ipinatong sa may lamesa ang mga pagkaing niluto niya.

"Good morning baby!" Masayang bati niya sa akin sabay halik sa aking noo.

Napangiti ako. "Good morning din."

Tatayo na sana ako para kumuha ng mga pinggan nang mabilis niya akong pinigilan.

"Hep! D'yan ka lang." Napaupo na lang tuloy ulit ako. Pinanood ko siya habang inihahanda niya ang aking pagkain. Pinagsalin pa niya ako ng fresh milk sa baso.

Napangiti ako. This is the old Jed that I used to know. 'Yung pagiging sobrang maalaga niya ang dahilan kung bakit nahulog ako sa kanya noon.

"Binili ko 'to kahapon sa supermarket. Alam ko favorite mo 'to." sabi niya habang ipinaghihiwa ako ng hinog na mangga at inilagay niya iyon sa saucer. Umupo na din siya sa upuan niya at nagsandok na rin ng kanyang pagkain.

"Guess who baby kung sino ang nakita ko sa supermarket kahapon?"

"Who?"

"Si Cy, remember him? 'Yung palagi kong ka-jamming sa inuman dati?"

Napakunot ang noo ko. Pilit kong inaalala kung sino nga ba ang tinutukoy niya.

"Siya 'yung gitarista ng banda nila Venice sa Cherry Blossoms Hotel. 'Yung mahilig magcompose ng mga kanta tapos dine-dedicate kay Venice!"

Namilog ang mga mata ko nang maalala ko ang tinutukoy niya. "Oh, naalala ko na! Kamusta na siya?" Na excite naman ako kasi naging close din namin siya kaso nawalan kami ng communication nang nauna siyang umuwi dito sa Pilipinas.

"Ayun may pamilya na siya. Kasama nga niya kahapon 'yung wife at baby niya."

Napatango tango naman ako. "Nagba-byahe pa daw ba siya?

"Hindi na daw. Mas gusto na daw niya mag settle dito sa Pilipinas dahil mas gusto daw niyang matutukan ang pamilya niya. Actually mayroon daw silang itinayong printing business and it's doing well naman daw. "

"Wow, good for him!" Nakakatuwa kasi dati masyadong easy go lucky at may pagkamabisyo ang isang iyon kaya nga hindi natipuhan ni Venice.

"Iba na ang awra niya ngayon. Hindi katulad dati na payat at haggard ang itsura. Kung makikita mo siya ngayon maninibago ka kasi nagmukhang bata ang itsura niya, mukhang nahiyang sa pagkakaroon ng pamilya eh. And take note, hindi na din daw siya nagsisigarilyo, akalain mo 'yun! Nagbago daw siya dahil sa pagkakaroon niya ng anak." Masayang pagke-kwento pa ni Jed.

"Nakakatuwa, akalain mo nga naman! Akala ko wala ng pag asa ang isang iyon."

"Iba pala talaga kapag nagkakaroon ng anak no? Magagawa mo talagang magbago at magkakaroon ka ng direksyon sa buhay. Sa tingin mo, magiging katulad din kaya niya ako kapag nagkaroon na din tayo ng anak?"

Natigilan ako nang marinig ko ang huling sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita at sa halip ay tipid na ngiti lang ang naging tugon ko.

"Nai-imagine ko na ang sarili ko kapag dumating 'yung time na 'yun. Siguro hindi na ako aalis ng bansa kapag nagka anak na tayo. Mas magsisipag ako sa pagta-trabaho para mabibigyan natin siya ng magandang kinabukasan. I will be a good father like my dad. Mas magiging meaningful siguro ang buhay ko kapag nabuo na natin ang pamilyang pinapangarap natin. Right, baby?

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon