Chapter 69

60 2 0
                                    


"Alas nuwebe na pala." Sambit ko nang makita ang oras sa digital clock na nasa aking harapan.

Kaninang umaga pa ako nakababad dito sa harapan ng computer dahil sa pagle-layout ng mga book covers na ipina design sa akin ng isang sikat na publishing house dito sa Baguio. Swerteng nakuha ko ang project na ito dahil sa recommendation ng isang classmate ko noong elementary na ngayon ay isa nang sikat na writer.

Isa-isa kong sinuri ang bawat book covers. Tinignan kung pulido na ba ang pagkaka disenyo ng mga ito. Nang matiyak na ayos na ang lahat at ready na for submission para bukas, sa wakas ay ini-off ko na din ang computer.

Tumayo ako upang i-stretch ang aking mga binti na bahagya nang namamanhid dahil sa tagal ng pagkakaupo. Nagtungo ako sa bintana upang lumanghap ng hangin.

Madilim ang paligid at malamig na din ang simoy ng hangin. Palibhasa ay 'Ber months' na. Ang bilis talaga ng panahon.

After all that we've been through
I will make it up to you, I promise to
And after all that's been said and done
You're just a part of me, I can't let go

Napakunot noo ako. Agad kong hinanap ang may ari ng boses ng kumakanta. Napabaling ang aking paningin sa may bandang ibaba, sa balkonahe kung saan nakaupo si Marco at naggigitara.

Kailan pa siya natutong tumugtog at kumanta? Infairness... nasa tono huh!

Nasagot naman ang katanungan ko nang marinig ko ang boses ni Tatay.

"Ayan Marco, madali ka palang matuto! Saulado mo na agad ang chords at lyrics"

Kaya naman pala... may pa-tutorial si Tatay.

Hold me now, it's hard for me to say I'm sorry
I just want you to know
Hold me now, I really want to tell you I'm sorry
I could never let you go

Ang ganda ng song... para siguro sa Tarah niya 'yun. Nakaramdam man ng pagkainis, sa kaibuturan ng puso ko ay may piping panalangin na sana para sa akin niya iaalay ang kantang iyon.

Naku Anicka, 'wag kang assumera! Hindi ka naman mahal niyan! Sigaw naman ng utak ko. Ipinilig ko ang ulo ko para mapagpag ang mga negatibong naiisip ko.

Isinara ko na ang bintana at nagtungo sa crib ni Rhycka upang i-check ang pagkakahiga niya. Nang masigurong ayos naman ay umupo ako sa couch at nagbukas ng Spotify sa cellphone. Makikinig muna ako ng classical music para ma relax ang aking sistema.

Habang nakikinig ay pumikit ako habang mina masahe ang aking balikat na medyo nananakit. Nangalay kasi iyon sa tagal ko sa pagco-computer. Mayamaya'y naramdaman kong bumibigat na ang mga mata ko at para na akong hinihila ng antok.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may bumubuhat sa akin. Base sa pamilyar na init ng mga matitipunong bisig na nakapulupot sa akin, alam kong si Marco iyon. Gustuhin ko mang dumilat at humiwalay mula sa kanya, mas nanaig sa akin ang kagustuhang namnamin ang mga sandaling ito. Na-miss ko 'yung ganito... 'yung tipong nakayakap siya sa akin habang nakadantay ako sa dibdib niya. At heto na naman ang natural na mabangong amoy niya na siyang kumikiliti sa aking ilong. Gusto kong sulitin 'yung ganitong sandali. Sana tumigil muna ang oras. Ayoko muna 'tong matapos.

Nanatili akong nakapikit habang unti unti niya akong inihihiga sa kama. Pinananatili kong kalmado ang aking paghinga para hindi niya mahalatang gising ako. Gusto kong pakiramdam ang mga gagawin niya.

Naramdaman ko ang pag upo niya sa gilid ko at kahit nakapikit ako, alam kong nakatitig siya sa akin. Dumampi ang mainit na palad niya sa aking pisngi. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa aking mukha. Ramdam ko ang pag iingat sa mga kilos niya hanggang sa dumampi ang kanyang mainit na labi sa aking noo.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon