Chapter 2: Reminiscing

221 39 11
                                    

Marco's POV

Marco:
Sige. Ingat ka sa pag-uwi ha. Always take care. ☺️

Napailing iling ako habang tinititigan ang huling mensaheng ipinadala ko kay Anicka. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko para i-chat siya at kumustahin. Dati rati naman kasi, puro pang-i-stalk lang sa social media ang ginagawa ko para makita siya. Pasalamat na lang dahil hindi naka private ang profile niya, at least kahit papaano ay naging updated ako sa buhay niya nitong nakalipas na mga taon.

Hindi naman kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob noon na kumustahin siya kahit through e-mail man lang. Dahil siguro iyon sa naging bitterness ko nang hindi ako ang pinili niya.

Aaminin ko naman, walang wala talaga ako no'n kumpara sa boyfriend niyang si Jed. Kaka-graduate ko lang no'n at wala pang maipagmamalaki. Ni hindi pa nakakapag take ng board exam kaya wala pang trabaho. Samantalang 'yong boyfriend niya, masasabi kong kayang kaya na siyang buhayin.

Sabagay, sino ba naman ako? Ako lang naman ang nagsumiksik at nakigulo sa relasyon nila noon . . .

"Tara, pre! Dito muna tayo sa computer shop," anyaya ko kay Ethan, ang best friend ko.

Katatapos lang naming maglaro ng basketball kasama ang ilan naming mga kaibigan na taga ibang barangay. Swerte nga eh kasi nanalo kami at bukod ro'n, nanalo rin kami sa pustahan.

"Taena magla-laro ka lang ng dota eh!" Napakamot pa ito sa batok sabay tamad na tumitig sa akin.

"Hindi, gago! Magse-surf lang ako sa Facebook.

"Wooo! Mang-i-stalk ka lang ng mga babae eh!"

Loko loko talaga 'tong kumag na 'to. Kunwari pa eh siya pa 'tong naunang pumwesto sa may bakanteng computer.

Ako raw ang magdo-dota... eh siya pala 'tong maglalaro. Heto't nakikipagpustahan pa sa ibang gamers na nandito sa computer shop.

Nagkibit balikat na lang ako at tinignan ang mga nasa People You May Know page.

Hmm. . . namilog ang aking mga mata nang makita ang isang pamilyar na Facebook user.

Wala talagang kakupas kupas . . . ang ganda pa rin.

Agad kong kin-click ang kanyang profile. Buti na lang, hindi siya naka private kaya naman nakita ko ang mga pictures niya.

Lalo siyang gumanda at naging sexy!

Nakita kong marami kaming mutual friends. Halos lahat ng classmates namin noong high school ay friend niya rito sa Facebook, even Ethan and Landon. Bakit ako lang 'ata ang hindi naka-add sa kanya? Ang unfair naman! Kaya naman, hindi na ako nagdalawang isip na i-add rin siya sa friendlist ko.

At kung sine-swerte ka nga naman, wala pang isang minuto ay nakatanggap agad ako ng notification.

Anicka Reese Agustin accepted your friend request!

"Yown!"

"Hoy! Anong meron at napapa yown ka d'yan?" Takang tanong ni Ethan na nakatingin pala sa akin.

Napangisi naman ako. "Friends na kasi kami ni Anicka, pre eh!"

"Jusko! Kami nga, una pa lang nauuso 'yang Facebook, friends na kami n'yan!" nakaismid na tugon naman niya. "Lagi ko nga 'yan china-chat eh!" mayabang na dugtong pa niya.

"Eh 'di wow!" Inirapan ko siya at bumaling na ulit sa harap ng computer.

Naka online siya. Try ko ngang i-chat. Sana hindi siya snob. Kakapalan ko na ang mukha ko. Dati kasi, nahihiya ako sa kanya. Ayaw ko kasing mahalata niya na crush ko siya.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon