Chapter 44

51 10 1
                                    

Ethan POV

"Syete! Alas dose na pala!" Pagkakita ko sa orasan ay nagpasya na akong i-shut down ang computer na nasa harapan ko.

Kaya naman pala kanina ko pa nararamdaman ang pagrarambulan ng mga bituka ko, 'yun pala lunch time na. Lalabas na sana ako ng private office ko nang mag ring naman ang aking cellphone kaya napahinto ako sa paglabas.

"Oh Jade?" Tanong ko sa kabilang linya.

[Ano ba 'yan wala man lang pag-hello!]

"Oh eh 'di hello! Bakit ka napatawag?"

[Ire-remind lang kita tungkol sa Zoom meeting natin mamaya!]

"Mamaya na ba 'yun? Anong oras nga?" Naalala ko nga pala may usapan kami mamaya para sa big announcement ni Anicka.

[6pm po! Teka, na-receive mo na ba 'yung sa'yo?"]

"Wala pa nga eh. Sige na magla-lunch muna ako, nagiging bad breath na ako dahil sa gutom!" Hiningahan ko ang palad ko sabay amoy nito. Mukhang narinig naman ni Jade ang ginawa ko kaya tumawa siya ng malakas.

[Eewww! Nakakadiri ka talaga kahit kailan! Sige na nga, bye!]

Tatawa tawa pa ako nang matapos ang pag-uusap namin. Ang sarap talagang lokohin ni Jade.

Naalala ko nga pala, kung 6pm ang meeting namin, siguro hindi na lang muna ako uuwi sa bahay, dito na lang ako sa office mamaya.

Ang mga bruha sobrang excited sa announcement ni Anicka tungkol sa baby niya. Syempre ganun din naman ako, after all magiging ninong ako nun.

Pasipol sipol pa ako habang binubuksan ang pintuan nang..

"Ay baby ni Anicka!" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang pagmumukha ni Marco ang bumulaga sa akin pagbukas ng pinto. Pakiramdam ko ay hinabol ako ng sampung kabayo dahil sa sobrang pagkabigla.

"Ogag ang pangit ng itsura mo." Seryosong sabi naman niya sabay abot sa akin ng malaking lobo. Kulay gold iyon, panigurado iyon ang lobo na ipinadala ni Anicka para sa akin.

Inagaw ko naman iyon sa kanya, "Bakit na sa'yo 'to?" Tumalikod muna ako para ilagay iyon sa ibabaw ng office table ko.

"Eh saktong pagpasok ko may naghahanap sa'yong delivery man kaya naman ni-receive ko na."

"Thank you so much talaga pre!" Pinisil ko pa ang mga pisngi niya nang humarap ako sa kanya. "Aray!" Hayop na 'to tinampal pa 'yung mga kamay ko.

"Bongga naman ng bagong chicks mo.. may pa-balloon pa! Mukhang may nadale ka nanaman ah.." Tatawa tawang sabi niya.

Nagkibit balikat lang ako, "Alam mo naman tayo.. iba na ang malakas ang dating."

"Malakas ang dating... Baka malakas ang putok!"

"Ikaw na maging gwapo! Mana lang ako sa'yo pre, habulin ng chicks!" Sabay nginitian ko pa siya ng nakakaloko.

"Ako? Habulin ng chicks?" Napaturo pa siya sa sarili niya, "Baka habulin ng bumbay sa dami ng utang. Tara na nga! Lobo lobo.. kumain na tayo, at mamaya mayroon akong ikokonsulta sa'yo."

"Tungkol saan?" Tanong ko naman.

"Doon sa electrical ng building na kinokontrata ko sa PMA. Dalhin ko sa'yo mamaya ang structural design."

"Alin 'yon? Sa Kuya ni Tarah mo?"

"Tarah mo... Tara na!" Nagpatiuna na siya sa paglakad.

Napabulong bulong na lang ako, "Tarah.. Tarah.. puro Tarah.. Amoy Tarah ka na."

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon