Chapter 5: Confusion

122 33 4
                                    


Marco's POV

I'm on my way to the airport para sunduin ang isa sa importanteng tao na naging parte ng buhay ko sa Qatar. Isang tao na nagbigay liwanag sa mundo ko noong mga panahong lugmok ako sa pighati at lungkot. Noong panahong broken ako dahil sa paghihiwalay namin ni Anicka.

Siya si Alexa. Architect rin siyang katulad ko. Iisa ang company na pinagtrabahuhan namin sa Qatar at doon nga kami nagkakilala. At dahil sa madalas niyang pagsama-sama sa mga kaibigan ko ay naging magkaibigan rin kami kinalaunan.

Naalala ko, noon ay halos isubsob ko ang aking sarili sa trabaho. Wala eh... marami akong gustong patunayan. Marami akong insecurities, mababa ang believe sa sarili. Inisip ko noon na baka kaya hindi ako ang pinili ni Anicka ay dahil wala akong maipagmamalaki sa buhay.

Naging loner ako noon. Trabaho-bahay lang ang ginawa ko. Mas nag focus ako sa pagpapa-unlad ng sarili at sa pagtulong sa pamilya ko. Nag-iba nga raw ako sabi nina Ethan at Landon. Dati raw kasi ay chill lang ako at hindi masyadong seryoso sa buhay.

Pero nag-iba iyon nang magkalapit kami ni Alexa. Unti-unti ay naibalik ko ang dating ako. 'Yung Marco na punong puno ng positivity. Siya rin ang nagsabi na dapat ay ine-enjoy ko lang ang buhay.

Naging sobrang close kami to the point na inakala na ng mga tao sa paligid namin na kami ay may relasyon. Noong una ay ini-ignore lang namin ang mga iyon basta't ang importante ay masaya kami at comfortable sa company ng isa't-isa. Wala kaming inililihim. Lahat ay alam niya including my highs and lows.

Pero dumating ang hindi ko inaasahan. Isang araw ay nagtapat si Alexa. Mahal na raw niya ako at handa raw siyang gawin ang lahat makalimutan ko lang daw si Anicka. Nangako siyang buburahin ang masasakit kong alaala sa pag-ibig at papalitan iyon ng magaganda at masasayang memories na kasama siya.

Umiwas ako no'n. Hindi dahil sa hindi siya kagusto-gusto o kamahal-mahal kundi dahil ayaw ko siyang gawing panakip-butas. Mahal ko siya pero hindi katumbas ng pagmamahal ko kay Anicka.

Pero persistent si Alexa. Kinausap niya ako at sinabi niyang hayaan ko lang daw na ako ay mahalin niya. Kahit hindi ko suklian, basta't 'wag ko lang siyang iwasan. At dahil mahalaga na rin siya sa akin ay nagpa-agos na lang ako.

Dumating sa point na ginagawa na namin ang mga bagay na ginagawa ng mga magka relasyon. Alam kong pagte-take advantage ang ginawa ko pero lalake lang ako and I have needs. Binuksan ko na rin naman kasi sa sarili ko no'n ang posibility na baka nga ay matutunan ko siyang mahalin. Well, maganda siya, mabait, matalino... nasa kanya na ang mga katangiang gugustuhin ng isang lalake na makarelasyon.

Minsan ay nag-i-stay siya sa pad ko, para na kaming nag-live in. Pero gano'n lang... walang label. Basta't nagkakaintindihan lang. Alam kong kagaguhan iyon at unfair sa kanya pero hinayaan ko na lang tutal ang sabi niya ay masaya siya sa kung ano ang mayroon kami.

Noong tumagal ay hindi rin iyon nakayanan ng konsensya ko. Sa halos dalawang taon ng ganoong set-up namin, walang naging progreso sa nararamdaman ko sa kanya.

Kaya noong matatapos na ang contract ko, nagpasya akong umuwi na lang ng Pilipinas kahit na gustong i-renew ng boss ko ang aking kontrata.

Pinigilan niya ako no'n at halos magmakaawa na 'wag akong umuwi ng Pilipinas. Pero buo na ang desisyon ko at hindi na iyon magbabago.

Naging tapat ako sa damdamin ko sa kanya. Nangako akong aayusin ang aking sarili at kapag handa na ako para sa kanya, pwede na kaming magsimula ng panibagong buhay na magkasama.

At heto nga, after one year ay sinabi kong handa na ako para sa kanya. Napagpasyahan naming uuwi na siya rito sa Pilipinas upang magkasama na kaming dalawa.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon