Chapter 34

79 12 5
                                    

Marco POV

It's been three weeks since I last saw Anicka. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung ano na ba ang nangyari sa kanya noong gabing iyon sa party ni Mr. Uehara. Until now, nandito pa din sa dibdib ko ang pag-aalala ko sa kanya. Tandang tanda ko pa rin kung paano siya nawalan ng malay at bumagsak sa mga bisig ni Jed. Wala man lang akong nagawa ng mga sandaling iyon.

Nandito ako sa office ngayon. Almost two weeks din akong nawala dahil may inasikaso akong malaking project namin sa Cebu. Kakabalik ko lang kahapon dito sa Manila. Sa mga oras at araw na nasa malayo ako, ni minsan ay hindi nawaglit sa aking isipan si Anicka.

Hindi ko alam kung paano ko ba siya makakamusta. Kapag tatanungin ko naman sina Ethan at Landon ay umiiwas ang mga itong sagutin ako. May tinatago kaya sila sa akin? O sadyang paranoid lang ako?

Naglakad ako at sumilip sa labas ng bintana. Kitang kita ko ang madilim na ulap na bumabalot sa kalangitan. Mukha itong nagbabadya ng malakas na ulan. Madilim at makulimlim na maikukumpara sa aking buhay na kung kailan inaasahan kong sisikat na ang araw ay bigla namang nagdilim at nabalot ng mga problema. Ngayon ko napagtanto na ang buhay ng tao ay para ring lagay ng panahon. Minsan ay maaraw, minsan din naman ay maulan, 'yung sa akin naman ay mabagyo. Iniisip ko na lang kung paano ko malalagpasan ang ganitong kalungkutan. Tuluyan na atang mawawala ang kaisa isang babaeng minamahal ko. Siguro ay pinaparusahan na ako ng tadhana dahil sa pagiging sakim ko kay Alexa.

Muli ay naglakad ako papunta sa aking table. Umupo ako sa aking swivel chair. Sumandal ako at pumikit habang nilalaro at kinakatok ang aking hawak na tech pen sa ibabaw ng lamesa. Pati sa aking pagpikit ay imahe pa rin ni Anicka ang aking nakikita.

Iminulat ko ang aking mga mata at agad na binuksan ang drawer ng aking office table. Kinuha ko mula roon ang isang maliit na picture frame. Picture namin iyon ni Anicka. Kuha iyon noong nag celebrate kami ng birthday ko sa hotel. Kapwa kami nakangiti sa larawan na iyon. Iyon ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil buong maghapon ko siyang nakasama noon.

Napapangiti ako habang tinitignan ko ang larawan namin. "Kung alam mo lang babe kung gaano akong nangungulila sa'yo.. sa mga yakap at halik mo.."

Kung may magagawa lang sana ako para lapitan siya. Ngunit ayaw kong makagulo sa kanila ng asawa niya. Ayaw kong madala siya sa isang alanganing sitwasyon nang dahil sa akin. Ngunit hindi ako matahimik, parang may nagdidikta sa akin na tawagan siya. 'Yun bang marinig ko lang ang boses niya ay pwede na akong mapanatag. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa at nag dial ng kanyang numero. Nakaka dalawang ring pa lang ngunit napindot ko kaagad ang end call button nang may marinig akong mga katok mula sa pintuan. Itinago ko muli iyon sa aking bulsa at ang picture naman namin ni Anicka ay itinago ko na din sa loob ng drawer.

Umayos agad ako ng pagkakaupo. Mukhang alam ko na kung sino ang istorbong nasa labas.

"Come in!"

Hindi nga ako nagkamali at ang magaling kong kaibigan ang kumakatok. Mabilis itong naglakad at umupo sa upuan na nasa harap ng table ko.

"Oh, bakit?" Nakakunot noong tanong ko agad sa kanya.

"Aga aga ang suplado mo! Kakabalik mo lang ah, hindi mo ba ako na-miss?" Ngumingising pa 'tong ugok na 'to.

"Anong kailangan mo?"

"Seryoso ka masyado pre! Baka nakakalimutan mo, birthday ni Jade bukas at nag iimbita 'yun." Inilapit pa niya ang kanyang mukha sa akin, ang sarap tampalin eh.

Napailing iling ako. "I'll try. Madami pa kasi akong gagawin." Nagkunyari akong nagtingin tingin ng mga drafts na nasa ibabaw ng table ko.

"C'mon pre, 'wag ako! Alam kong hindi ka busy. Sino ba niloloko mo dito?" Pinanlakihan pa niya ako ng kanyang mga singkit na mata. "Tangina pre mag enjoy ka naman. Hindi 'yang palagi kang nagbibisi bisihan! Madali kang tatanda n'yan eh. Alam ko may mga problema ka pero daanan mo lang, 'wag mong tambayan! Anak ng tupa ka naman eh, hayaan mo 'yang problema mo ang mamroblema sa'yo." Aba't ang gago may mga words of wisdom din palang naitatago. Napapailing na lang ako habang nakangiti.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon