Chapter 29

61 10 2
                                    

Alexa POV

"Ang aga mo naman kasing umuwi sis! Nakita mong mamaya pa naman ang flight ko papuntang Australia."

May himig pagtatampong sabi ni Ate Almira habang nagmamaneho. Alas singko pa lamang ng umaga. Pauwi na kasi agad ako kay Marco at ihahatid niya ako.

Matapos akong pangaralan kagabi nina Ate Almira at Jessica, napagtanto ko na somehow, nagiging harsh na din ako kay Marco. Alam kong nagkasala siya sa akin, niloko niya ako pero nakikita ko namang he is trying his best para maging mabuting partner sa akin.

Kaya naman ngayon, I've decided na kailangan ko nang bumawi sa kanya. Ibabalik ko ang dating Alexa na hindi toxic kasama, 'yung mapagbigay, maaalalahanin at mapagmahal. 'Yung dating ako na nawala mula noong nagkaroon ako ng mga insecurities and doubts sa sarili ko.

Ito na ang panahon para magsimula kami ni Marco. Lalong lalo na at ilang buwan na lamang ay lalabas na ang magiging anak namin. Hindi naman siguro maganda kung manganganak ako nang hindi kami maayos.

"Pasensya na Ate, you understand me naman 'di ba?" naglalambing na sagot ko sa kanya. Humilig pa ako sa braso niya. Ganito kami ka-sweet na dalawa palibhasa dalawa lang kaming magkapatid. Wala na din kaming mga magulang kaya ang isa't isa na lang ang mayroon kami.

Tinapik tapik naman niya ang braso ko. "I always understand you baby. Mahal na mahal ka ng Ate."

"I love you too, sis."

Huminto kami dito sa tapat ng lobby ng building. Dito na lang ako nagpahatid para makauwi din agad si Ate Almira.

"Thank you so much Ate."

"You're always welcome. Basta kapag may problem, tawag ka lang huh?"

I nodded and quickly kissed her on the cheek before I got out of the car.

Nang makaalis na ang kotse niya ay nagmadali na akong pumasok ng building. Excited na akong makita si Marco. Gusto ko na ulit iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal!

Dahan dahan kong ibinukas ang pintuan nang makarating na ako sa tapat ng unit.

Pumasok ako sa loob. Napangiwi ako sa amoy ng alak na agad kong nalanghap. Binuksan ko ang switch ng ilaw at nakita ko agad ang nakahigang si Marco sa may couch.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang itsura niya. Hindi na niya nakuha pang magbihis at suot suot pa niya ang sapatos niya.

Napailing iling ako habang nilalapitan ko siya. Lumuhod ako sa harapan niya at dahan dahan kong hinubad ang kanyang sapatos. Tumayo ako at inilagay iyon sa shoe rack.

Bumalik ako sa kanya at iniayos ko siya ng pagkakahiga sa couch. Iiwanan ko na sana siya doon nang bigla niyang ipulupot ang mga bisig niya sa bewang ko.

"A-Anicka.... Mahal na mahal kita.."

Parang bigla akong binuhusan ng isang timbang yelo nang banggitin niya ang mga katagang iyon. Nakapikit siya at tila siya ay nananaginip. It really hurts to know the truth. Pati ba naman sa panaginip si Anicka pa rin?

Magsasalita sana ako nang hinapit niya ako lalo at napasubsob ako sa kanya. Bigla niya akong ginawaran ng nananabik na halik na kung tutuusin ay para kay Anicka. Nanliit ako at naawa sa aking sarili.

Pinipilit kong kumawala sa kanya. Marahas ko siyang itinulak at laking pasalamat ko nang makabitaw siya sa akin at nakabalik siya sa pagtulog.

Unti unti akong napalayo mula sa kanya. Pinilit kong maupo sa single seater na nasa tabi ng kanyang kinahihigaan. Pakiramdam ko ay hinang hina ako. Nanginginig ang buong katawan ko sa halo halong emosyon na naghahari ngayon sa aking dibdib. Pero ang tanging nangingibabaw sa akin ay ang matinding sakit na nararamdaman ko. Parang unti unti ako nitong pinapatay. All this time I have been fallacious to myself, pretending the man that I love will reciprocate the same affection. But I was wrong all along. Hindi ko kinayang baguhin ang katotohanan. Hindi ko kayang turuan ang puso ni Marco na mahalin ako. I feel so ugly, I feel so neglected.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon