Chapter 51

66 7 8
                                    

Marco POV

Isang linggo na ang nakalipas simula noong malaman kong hiwalay na sina Anicka at Jed. Hindi ako mapakali dito sa opisina. Nanditong sumilip ako sa bintana at manood sa mga nagdaraang sasakyan, magbukas at magpatay ng computer, manood ng TV.. halos mabura na ang design ng tiles kakaikot ko dito. Talagang hindi maalis sa isipan ko ang itsura ni Anicka noong gabing iyon.

Naalala ko siyang kumanta sa stage. Ano nga 'yung title nun? Teka at ise-search ko dito sa Iphone ko. Binuksan ko din ang aking portable speaker para patugtugin ulit.

Ay teka, tignan ko nga ang video coverage sa page ni Jed! For sure nai-upload na iyon sa website ng Salòn de Musica.

Muli kong binuksan ang aking laptop to check the page. At tama ako, bumungad kaagad ang first video ng performance nila.

Can't We Try..

I played it non-stop. Siguro'y mag iisang oras ko na itong pinakikinggan habang nakapikit at inaalala ang masasaya naming tagpo ni Anicka noong kami pa.

Bakit nga ba hindi ko muling subukan? Sabi nga nila, habang may buhay ay may pag-asa. Pero si Anicka, willing pa kaya siya? May natitira pa kaya siyang pagtingin sa akin sa kabila ng lahat ng nangyari?

Naputol ang aking pagmumuni muni nang may kumalampag sa pintuan ng aking office at pumasok si Ethan. Agad kong isinarado ang aking laptop.

"Anong balita, pre?" Bungad niya sa akin. "Tumawag sa akin si General ah! Imbitado daw tayo sa inauguration ng building na ginawa natin. Tinawagan ka rin ba?" Tuloy tuloy na litanya niya habang umuupo sa harap ng table.

"Oo."

"Balita ko hindi lang basta headquarters 'yun.. kundi kulungan ng mga high profile na kalaban ng gobyerno."

Tumango naman ako at umayos ng pagkakaupo.

"Oo. Pina-design niya nga sa akin iyon na sound proof at ang ibang rooms ay may unbreakable glass and security systems. Sige pasyalan natin 'yun sa inauguration."

"Ahh.. Teka maiba ako, nakita mo na ba 'yung mga videos sa Salòn de Musica? Sayaw ako nang sayaw 'dun eh." Proud na proud pa siya habang nagsasalita at malaki din ang pagkakangiti.

Gusto kong matawa dahil nakita ko nga ang ilang video clips sa page ng bar na nandoon nga siya at nagsasayaw na parang si Barney. Instead ay ngumiti na lamang ako at umiling.

"Hindi, hindi ko pa napanood eh. Busy.."

"Busy saan? Kay Tarah na naman?! You know pre, I have a feeling na siya na ang makakatuluyan mo.. patay na patay sa'yo eh! Pagbigyan mo na nga.. Pag 'yun ang napangasawa mo, hindi mo na kailangang magtrabaho. Mayaman 'yun pre! At balita ko sa kanya ipapamana ang furniture company nila sa US." Itinaas baba pa niya ang kanyang kilay na parang nanunukso.

Napakunot ang noo ko, "Kanino mo naman narinig 'yang chismis na 'yan?"

"Basta.. usap usapan nina Ma'am Cristina. Kasi si Tarah ang nagprovide ng lahat ng furnitures ng building nila. Siya daw ang susunod na CEO nun."

Sumeryoso ako at napailing, "I don't care about her money. I can earn my own keep. At kayang kaya ko namang mag provide kung magkakapamilya ako."

Nanlaki naman ang kanyang mga mata at mabilis na nag explain, "Don't get me wrong pre huh! Hindi ko minemenos ang kakayahan mo. I know you're a self-made man. You can always survive the worst situation katulad na nga ng pagka bankrupt mo last year di ba? Oh ngayon okay ka na at mas maganda pa ang sasakyan mo sakin. Tapos hinahabol ka pa ng isang magandang chick na mayaman.. san ka pa? How to be you, pre?" At inilapit pa ang kanyang mukha sa akin.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon