Chapter 67

50 3 0
                                    

Anicka POV

"Anak, ano nga ba ang tunay na nangyari sa'yo sa Maynila?"

Mula sa panonood sa natutulog kong anak ay awtomatikong napadako ang tingin ko kay Nanay nang bigla siyang magtanong. Magkatabi sila ni Tatay na nakaupo sa couch at kapwa nakatingin sa akin.

I could see the concern in their eyes so I immediately felt a pang of guilt because of the lie that I told them when I left. Naisip kong ito na ang tamang panahon upang ipagtapat sa kanila ang totoong dahilan kung bakit ako nagpunta doon.

"Nay, Tay, patawarin n'yo po ako dahil nakapagsinungaling po ako sa inyo." Pagsisimula ko.

Pigil ang paghinga ko habang inaaninag sa mga mukha nila kung may bahid ba ng galit doon. Si Tatay ang unang sumagot. At sa pagtataka ko, imbes na pagkadismaya ay ngiti ang itinapon niya sa akin.

"Alam mo anak... papunta ka pa lang, pabalik na kami ng Nanay mo. Noong oras na nagpaalam kang aalis ka at may trabaho ka kamo sa Maynila, akala mo ba naniwala kami?"

Hindi agad ako nakasagot at sa halip ay napayuko ako. Nakaramdam ako ng hiya sa kanila.

"Matatanda na kami, Anicka. Hindi mo na kami mapagsisinungalingan sa mga ganyang bagay. Tulad nga ng palagi kong sinasabi sa'yo, kilala ka namin mula ulo hanggang talampakan. Alam namin na kaya ka lumuwas sa Maynila ay para kausapin si Marco. Gusto mo siyang habulin, hindi ba?" Mahinahon ngunit seryoso namang litanya ni Nanay.

Agad nag init ang aking mga mata. Lumapit ako sa kanila at sila ay niyakap.

"Sorry po talaga. Gusto ko lang naman po kasing hingin ang paliwanag niya. Pero Nay, Tay... nagsisisi na po ako. Wala naman po kasing nagawang mabuti ang pagluwas kong iyon. Sa totoo po n'yan, puro sakit ng kalooban  lang po ang inabot ko."

Gumaan ang pakiramdam ko nang hagurin ni Nanay ang aking likod habang pinupunasan naman ni Tatay ang aking mga luha. Higit sa ano pa man, ito ang kailangan ko ngayon... ang pang unawa ng mga magulang ko.

"Sorry po dahil naging selfish ako. Sariling nararamdaman ko lang ang inintindi ko. Hindi ko man lang kayo naisip... lalong lalo na ang anak ko." Napatingin ako sa direksyon ni Rhycka.

"Hindi ko po mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya."

"Wala namang may gustong magkasakit siya, anak. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ang tanging magagawa lang natin ay ang magdasal na sana ay madala ni Jed dito si Marco sa lalong madaling panahon. Siya lang ang makakatulong para bumuti ang kalagayan ni Rhycka."

Lalo akong naiyak sa sinabi ni Tatay. Kung kailan tinatanggap ko nang wala na sa buhay naming mag ina si Marco ay saka pa nangyari ito.

"Wala ka nang magagawa. Sa ngayon, tanggapin mo na lang na magiging parte pa rin ng buhay ni Rhycka ang ama niya. Hindi man naging maganda ang kinalabasan ng relasyon ninyo, at least hayaan mo siyang magpaka ama sa anak niya."

"Gano'n na lang po ba 'yon, Tay?"

"Sa ayaw mo at sa hindi, gano'n na nga iyon, anak. Si Rhycka na lang ang isipin mo. Hindi mo pwedeng ipagkait sa kanya ang kanyang tunay na ama. Kahit anong sama pa ang ginawa ni Marco sa'yo, hindi mo pa rin mababago na siya ang ama ng anak mo. At ngayong kailangan siya ni Rhycka, ibigay mo sa kanya ang pagkakataong ito para gampanan ang responsibilidad niya."

Tumingin ako kay Nanay upang hingin ang kanyang opinyon ngunit tango lamang ang kanyang ibinigay sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagsang ayon sa mga sinabi ni Tatay.

Labag man sa aking kalooban ay alam kong tama sila. Para sa kapakanan naman ito ni Rhycka.

Nang lumalim na ang gabi ay nagpasya akong pauwiin na sina Nanay at Tatay. Alam kong pagod na din sila at kailangan na nilang magpahinga.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon