Chapter 59

59 5 4
                                    

Anicka POV

"Ayan ang ganda ganda talaga ng baby kong mahal!" Bulalas ko nang matapos kong bihisan si Rhycka.

Nandito kami ngayon sa aming kwarto at kakatapos ko lang siyang paliguan at bihisan. And as usual, naka Hello Kitty dress na naman siya.

Kinarga ko siya at pinaharap sa akin. Tinitigan ko ang kanyang mukha habang siya ay ngiting ngiti na nakatingin naman sa akin.

"Alam mo, ang daya eh.. kamukha mo talaga ang daddy mo. Ako ang nag carry sa'yo for nine months tapos eyes lang ang nakuha mo sa akin? Hmm.. mabuti na lang at nagmana ka sa akin na palaging nakangiti.. ang daddy mo kasi, minsan simangot ang mukha nun eh!"

Nakakatuwa dahil kapag kinakausap ko siya, focus na focus siya na akala mo ay naiintindihan niya kung ano ang sinasabi ko. Napapakunot pa ang noo at bumubuka ang bibig na parang gustong sumagot.

"Alam mo, excited na ako para bukas. Isu-surprise kasi natin ang Daddy mo.. ipapaalam na natin sa kanya na anak ka niya. Panigurado matutuwa siya kapag nalaman niyang may baby siyang napaka cute! 'Di ba? 'Di ba?"

At itinaas ko ang kamay niya at hinalik halikan siya sa kilikili na siya niyang ikina hagikhik nang malakas.

Nasa ganito kaming tagpo nang kumatok at sumilip si Tatay sa pintuan.

"Oh anak, nandito na si Venice. Babain mo na at hinihintay ka."

"Ay nandyan na po ba? Sige po Tay bababa na po kami ni Rhycka."

Bitbit si Rhycka ay sumunod naman ako kay Tatay sa pagbaba sa sala. Agad akong sinalubong ni Venice na karga karga naman si Yves.

"Beshy, we're finally here!"

Nagbeso at nagyakap kaming dalawa na akala mo ay matagal kaming hindi nagkita.

"Wow, ang cute cute naman ni Yves!" Bati ko sa aking inaanak na lalong pumuti dahil sa suot na yellow Sponge Bob shirt. "Aba at umiilaw pa ang shoes!"

Napangiti naman ang bata at halos maging alkansya na ang mga mata nito. May pinagmanahan talaga.. singkit na singkit at may pagka bungisngis eh.

"Kamusta ang byahe n'yo? Hindi ba kayo nahirapan sa pagco-commute?"

"Hindi naman beshy. Kasama ko naman si Ate Lily."

"Mabuti naman kung ganoon. Oh ilagay muna natin sa playpen 'tong mga bata." Binalingan ko naman si Yves na nakangiti pa rin habang nakahawak sa kamay ni Rhycka, "Oh play muna kayong dalawa ha.."

Ibinaba namin sila sa playpen na naka set up sa corner ng sala.

"Ate Lily, pakisamahan mo na ang mga bagets dito." Utos naman ni Venice sa yaya ni Yves.

"Oh mga anak magmeryenda muna kayo. Heto at tikman n'yo ang ginawa kong macaroni salad."

Parating si Nanay na may buhat na tray ng meryenda. Sinalubong ko naman siya agad at kinuha sa kanya iyon. Inilapag ko ito sa center table at ipinagsalin sa tasa si Ate Lily at ibinigay iyon sa kanya.

"Wow mukha pong masarap ito Nanay Rosie!" Narinig ko namang sabi ni Venice habang kumukuha ng macaroni salad.

"Aba syempre, si Nanay pa! Eh the best 'yan pagdating sa lutuan." Tumabi ako sa kanya sa sofa at kumuha na rin ng salad.

Napangiti naman si Nanay sa pamumuri namin sa kanya.

"Dapat ganito din kasarap ang nasa menu ng Yvannah's."

"Naku wala sa cook book 'yan. Ang recipe n'yan ay based on experience lang. Hula hula at tantya tantya ganun." Sagot naman ni Nanay.

"Pero amoy pa lang po masarap na, Nay." Puri pa rin ni Venice.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon