Chapter 60

77 3 0
                                    

Anicka Reese Agustin:

Babe..
.
.
.
Babe, bakit naman ganun? May problema ba tayo? Sana sabihin mo naman sa akin oh.. ang hirap manghula, babe. Okay naman tayo 'di ba? May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Please, pag usapan naman natin 'to.
.
.
.
Babe, magreply ka naman please? Halos mabaliw na ako kakaisip kung ano ba dahilan at bakit bigla ka na lang umiwas. Kung may nagawa man ako, sorry na.
.
.
.
Babe, ayoko ng ganito tayo. 'Di ba sabi natin walang lihiman? Na magiging open tayo sa isa't isa? 'Di ba dapat habang maaga inaayos natin ang mga gusot katulad nito? Babe please nagmamakaawa ako sa'yo.. kausapin mo naman ako.

Magi-isang linggo na ang lumipas mula nung hindi niya ako sinipot sa aking kaarawan. At magmula din noon ay hindi na rin niya ako kinontak. Ni hindi man lang siya nagpaliwanag kung bakit hindi siya nakarating.

Ma-pride akong tao, hangga't maaari ay hindi ako nagmamakaawa. Pero dahil mahal ko siya, hindi ko siya matitiis kaya naman ako na ang unang nagmessage sa kanya. I want to hear his explanation, I want to know his side.

Sa totoo lang, gulong gulo na ako. Halos sakitan na ako ng ulo kakaisip kung ano ba ang pwedeng maging dahilan ng pag ignore sa akin ni Marco. Pero kahit anong isip ko, ang tanging alam ko lang ay wala naman kaming problema. We were okay.. we were happy. Wala kaming pinag awayan.

Alam ko namang nababasa niya ang mga messages ko dahil na-seen naman niya ang mga iyon. Sa tuwing tatawagan ko naman siya, it's either kina-cancel niya or hindi niya talaga sinasagot. Nahihirapan na akong manghula kung ano na ba ang nangyari sa kanya.

Alam kong mahal niya ako at hindi ko pinagdududahan iyon. Doon na lang ako kumakapit sa ngayon. Sinubok na kami ng panahon pero ang pagmamahal namin sa isa't isa ay hindi natinag. Ngayon pa kaya na malapit na kaming magpakasal? Mabubuo na ang pamilya namin at hindi ko hahayaang masira pa ito.

Natigil ang pagmu-muni muni ko nang mag ring ang aking cellphone. Si Ethan ang tumatawag kaya naman agad ko iyong sinagot.

"Hello!"

[Oh, kamusta ka na?]

"Eto, nahihirapan pa rin sa panghuhula. 'Yung kaibigan mo nang ghosting na naman ata."

[Huh? Hindi ba nagpaalam sa'yo? Umuwi daw sa kanila sa probinsya ah. Nagka emergency ata doon.]

Nagulat naman ako sa ibinalita ni Ethan. Bakit ganun? Hindi man lang niya ako na-inform.

"Ganun ba? Bakit hindi man lang nagsabi sa akin? Siguro iniiwasan niya lang talaga ako." Hindi ko napigilan ang paglungkot ng boses ko.

[Luh, may ganun? Eh alam mo namang patay na patay ang pareng Marco ko sa'yo tapos gumaganyan ka?]

"Ewan ko Ethan.. baka mamaya nakahanap na siya ng iba. 'Yung mas bata at mas sariwa.. parang si Tarah.."

[Nakow, malabo pa sa ihi ng pusit 'yang sinasabi mo. Kahit ipatawas mo pa kay Aling Patring, ikaw lang ang mahal nun.]

Napailing na lang ako sa mga sinasabi ng mokong na 'to. Pero alam ko naman na pinapatawa lang niya ako.

"Puro ka talaga kalokohan. Oh eh kayo ni Venice, kamusta naman?" Pag-iiba ko ng usapan.

[Eh ano pa ba? Eh 'di ganun pa din.. laging naiinis sa pagmumukha ko.]

Natawa naman ako, "Ikaw kasi, palagi mong iniinis. Alam mo namang mataray talaga 'yun."

[Yun nga ang gustong gusto ko sa kanya eh. Parang tigre.. rawr!]

"Loko loko ka talaga! Sige na nga, sinisilip na ako ni Tatay.. baka nagising na si Rhycka."

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon