Chapter 28

64 11 3
                                    

Alas otso pa lang ng umaga at kakagising ko lang. Napalabas ako ng kwarto ko nang madinig ko ang sunod sunod na pagtunog ng doorbell.

"Sino naman kaya 'to? Ke aga aga." Napapakamot ako sa ulo ko habang naglalakad palapit sa may front door.

"Happy birthday Amiga!"

Nagulat ako pagkabukas ko ng pintuan nang bumungad sa akin sila Jade, Vanna at Joyce.

May dala dala pa silang cake na may nakasinding kandila.

"Make a wish amiga!" Nakangiting sabi ni Vanna habang si Joyce ay taga kuha ng picture.

Sana man lang nagpasabi 'tong mga bruhang 'to na pupunta sila eh di sana nakapag prepare ako! Isang buwan din kaming hindi nagkita kita kaya kahit papa'no namimiss ko din sila.

Pumikit naman ako at nagwish pagkatapos ay hinipan ko na agad ang kandila.

"Salamat mga amiga ko!" Isa isa silang nakipag beso sa akin. "Pasok kayo." Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok sila.

Sobrang feel at home ang tatlong babaeng to kaya nauna pa silang naglakad sa akin papunta sa sala. Inilapag nila ang cake sa may center table at nagkanya kanyang upo sila sa couch.

"Amiga, napanood ko kayo sa facebook! Sobrang sweet ng jowa mo.. sana all!" Tumitirik pa ang matang sabi ni Vanna na pagkalakas lakas ng boses.

"Kaya nga eh! Trending na trending kaya sila!"

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Jed nang bumukas iyon. Pupungas pungas na lumabas siya doon at wala pa siyang idea na meron kaming mga bisita.

Kahit bagong gising ay ang gwapo pa din niyang tignan sa suot niyang white sando at sweat pants.

"Jusko amiga ang hot pala ng hubby mo." pabulong na anas ni Jade pagkapasok ni Jed sa kitchen.

"Paano na ang bias ko huhuhu. Shipper ako ng Marnicka eh!" Maarte namang sabi ni Vanna na pabulong din.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka mamaya ay biglang lumabas ng kitchen si Jed at marinig siya.

Sinabunutan naman siya ni Joyce. "Loka loka ka talaga kahit kailan Vanna!"

Natawa naman ako sa kanila at nagpaalam na kukuha lang ng maiinom at mga plates sa kitchen.

Pagkadating ko sa kitchen ay naabutan ko si Jed na nagtitimpla ng kape. Tumayo siya nang nakita niya ako.

"Happy birthday, baby!" Hinapit niya ako sa bewang at mabilis na hinalikan sa labi.

Nabigla ako sa ginawa niya. 'Eto naman kasing lalaki na 'to dinadaan ako sa bilis palagi.

"S-Salamat. I have visitors pala.." Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at nagbukas ng cupboard para kumuha ng mga  teaspoons and saucers. Inilagay ko iyon sa tray. Kumuha din ako sa refrigerator ng mga canned juices.

Napatango tango naman siya. "Kaya pala may narinig akong mga boses kanina."

Syet baka mamaya narinig niya 'yung sinabi ni Vanna! Sana naman hindi jusko!

Ngumiti ako kahit medyo kinakabahan. "S-Sige dalhin ko lang 'to sa sala." Yun lang at mabilis na akong tumalikod at lumabas ng kitchen.

Pagdating ko sa sala ay as usual nagpipicturan nanaman ang tatlong bruhilda.

"Oy birthday girl, halika na dito at magpipituran tayo!" Nakasigaw na aya ni Joyce.

I rolled my eyes automatically. Inilapag ko muna ang tray sa may center table at naki pose na rin.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon