Chapter 13: Ashamed

61 18 2
                                    

Anicka POV

Marco:
Good evening, Anicka!

Kanina pa ako nakatingin sa message ni Marco pero hindi ko alam kung magre-reply ba ako o hindi.

Hanggang ngayon kasi ay kinakain pa ako ng kahihiyan dahil sa nangyari noong isang linggo. Hindi pa rin ako maka-move on sa isiping siya ang nag-asikaso sa akin noong nalasing ako. Ang pinaka worst pa, binihisan pa niya ako... myghaaadd pati panty ko pinalitan rin niya! Jusko, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko sa tuwing maiisip kong nakita niya ang katawan ko!

"Huy, ang haba na siguro ng conversation n'yo sa isipan mo, no?"

Imbes na sumagot ay pinukol ko lang ng irap si Venice.

"Don't tell me, hanggang ngayon iniisip mo pa rin 'yung pagpapalit niya ng panty mo?

Sa sinabi niyang iyon ay naihampas ko sa kanya ang hawak kong pamaypay.

"Lintik ka kasi! Kita mo na ngang nalasing ako, sukat ba namang nagpakalasing ka rin!"

Natawa naman siya nang malakas. "Eh sorry na nga! Masyado akong nalibang sa pag-inom ng alak eh... Saka eh ano naman kung nakita niya 'yang kimpamparahas mo? Hindi naman niya nakuha!"

"Tumigil ka nga! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo." Sabay tayo ko at dampot sa duffle bag ko na nakapatong sa ibabaw ng make up chair.

"Kala ko pa naman nagpa-brazillian wax siya para kay Jed... tapos 'yun pala si Marco ang makakakita." humahagikgik pang sabi ni Venice.

"D'yan ka na nga!" Nagmartsa na ako palabas ng dressing room.

"Hoy, beshy! Hintayin mo kaya ako!"

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay lalo ko pang binilisan ang paglalakad hanggang sapitin ko ang elevator. Agad akong pumasok roon nang makitang iyon ay nakabukas.

Pinigilan ko ang pagtawa ko nang humahangos na iharang ni Venice ang mga kamay niya sa papasarang pintuan  ng elevator.

"Napapala mo. Eh 'di hingal na hingal ka ngayon?" nang-aasar na sabi ko at binuntutan ko iyon ng malakas na tawa.

Hindi naman na siya sumagot at inirapan lang ako.

Nang makarating kami sa lobby ay saktong nasa labas na ang na-book naming taxi. Sa unit ko matutulog si Venice dahil gusto raw niyang makita si Ethan bukas bago kami umalis patungong Batangas.

Bukas na kasi ang reunion namin at napagkasunduan na kay Ethan ako sasabay. Alas siyete ng umaga ang alis namin, buti na lang at maagang natapos ang gig namin ngayon kaya naman makakatulog ako nang mahaba-haba.

---

Halos tatlong oras lang ang tulog ko dahil nag-empake pa ako ng mga gamit na dadalhin ko para sa reunion namin kaninang pagdating namin ni Venice.

Heto nga't alas sais y medya na ng umaga at nandito na kami ni Venice sa lobby at hinihintay ang pagdating ni Ethan.

Mayamaya'y tumunog ang cellphone ko at nakita ang message ni Ethan.

Ethan:
Anicka, pasensya ka na kasi nagka problema ang sasakyan ko. Sa ngayon, kay Landon ako makikisabay kasama ng iba nating classmates. Pero pwede ka namang isabay ni pareng Marco. Okay ba sa'yo 'yun?

Matapos mabasa ang message na 'yon ay dinaluyong ng kaba ang dibdib ko.

Mukhang hindi na talaga ako makakatakas kay Marco.

Hindi pa man ako nakakahuma ay siyang pagkalabit naman sa akin ni Venice.

"Uy, beshy. Si Marco oh, paparating."

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon