Chapter 33

139 9 1
                                    

Won

JM and I, had a peaceful conversation and in fact we just enjoyed what we ate and talked for the non-stop, para na rin siguro kalimutan ang naging usapan naming dalawa. He also bring me at the building of our condo, gaya na rin ng sabi ng pinsan kong si Jaeros.

Akala ko noon ng matapos kong sabihin sa kaniya na hindi ko siya gusto ay matatapos na roon ang pagsasamahan naming dalawa, pero nagkamali ako. Dahil mas lalo lang 'yon tumatag, pero hindi iyon tulad ng dati na nililigawan niya ako. Dahil alam niyang kapatid at kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Hindi naman kasi mahirap kausapin si JM at hindi siya tutol o galit sa naging desisyon ko. Dahil kung hindi ko iyon ginawa, mas lalo ko lang siyang paasahin at masasaktan. At tama lang ang naging desisyon ko, dahil iyon ang mas makakabuti sa aming dalawa.

Alam kong may darating at darating din sa buhay ni JM. Hindi man ngayon baka bukas o sa susunod na araw. Iyon din ang sabi sa akin ni Isabelle noon. Kaya mas lalo ko lang iyong pinanghahawakan.

Noon hiling ko, na sana makita ko na ang someone better sa buhay ko. At fit na fit doon ang ugaling ipinapakita sa akin ni JM, no'ng siya'y nanliligaw pa. Pero hindi pala, hindi pala natin masasabi kung kailan darating at kung kailan natin malalaman, kung sino ba ang karapat-dapat na makasama sa buhay natin. Dahil mahirap palang hanapin, makita at alamin, kung sino ba talaga ang itinitibok ng puso natin.

Because at the first place puso ang mas nakakapagsabi kung sino ba ang gusto mo, kaysa sa utak. Sabi ko noon, kakalimutan ko na si Javier at ayoko na siyang gustuhin pa, dahil nasaktan ako at pinaasa. Pero mali ako, maling-mali, dahil kahit anong isip kong tangkain siyang kalimutan, ay hindi ko pa rin magawa-gawa.

Why is it so hard for me to forget Javier? Even though I have seen many negatives in his personality, but I can't stop myself to admire him and my feelings for him are always been overflowing. Lalo niya lang akong pinapalito. And I know that he is not the best of all the people that I interact and not that too perfect because of what he did to me. Gosh, Javier why do you make me feel this way? Ginayuma mo ba 'ko, kahit naandoon pa lang tayo sa Negros?

"Angela ...," I heard my friend call me and that is Isabelle.

Buwanan niya na ngayon, pero hindi pa naman ngayon ang due date niya, para i-deliver ang kambal, dahil sa katapusan pa ng buwan siya manganganak at second week pa lang naman ng july. T'ska always may naka-monitor sa kanila at kasama na ako roon. Hindi ko tuloy mapigilan na makaramdam ng excitement, gusto ko na kasing makarga ang magiging inaanak ko. Mayro'n na rin kaming pangalan sa kanila at si Isabelle ang naka-isip ng mga 'yon.

Sabi ni Doktora, the babies are healthy inside the womb of Isabelle at walang nakikitang deperensya roon. Dahil pagkatapos ng surgery ni Isabelle ay hininto muna nila ang pagbibigay ng gamot sa katawan nito, para hindi maka-apekto sa pagdadalang tao ni Isabelle. At salamat, dahil malakas si Isabelle, kaya hangang-hangga ako sa kaniya. Ipagpapatuloy lang nila ulit ang pag-gagamot sa kaibigan ko kapag na i-deliver niya na ang kambal.

"Angela...," she called me one more time. Kaya naman napabaling na 'ko ng tingin sa kaniya. At nakita ko ang maganda nitong mukha na para bang walang malaking melon sa tiyan nito ngayon.

Parang wala siyang pinagdaan, dahil hindi kita sa mukha niya ang hirap. Pero kung pagmamasdan mo siya ng maigi at kung kilala mo na siya noon pa man, malalaman mong nangayat siya ng kauntian. Pero ang mas nakikita ko ngayon, kahit buntis siya ay walang may nag-iba sa mukha niya. Kasi kadalasan naman, pag ang babae ay isang buntis, malaki ang chance na maraming magbabago sa physical appearance nito.

"You're daydreaming again. Kanina pa kita tinatawag, but you always ignoring me," nakasimangot na nitong pahayag sa akin at dahan-dahang tumayo sa kamang inuupuan niya.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon