Chapter 14

159 9 0
                                    

Double Celebration

Hindi ko naman tuloy mapigilan na kiligin, dahil alam ko sa sarili ko na si Javier ang nag padiliver nito para sa akin. Sa initials pa lang na nakalagay sa papel. Peace offering niya ba ito? Dahil sa hindi niya pagtawag sa akin o pag text man lang?

Ang mga tao namang nakapaligid sa akin ay gusto nang magtanong lalong lalo na ang mga pinsan kong lalaki. Ang iba kong mga tita ay kinikilig naman, pero ang iba ko namang mga tito ay nakataas na ang mga kilay.

"Psstt... Sino nagbigay, huh?" tanong naman ni Jarred sa akin ng may pagkaka-akusa na sa mga mata nito.

"Oo, nga sino 'yong JM, huh?" chorus naman na pahayag ng iba ko pang mga pinsan.

"Si Javier Marlbert Gutierrez ba ang nagbigay niyan, Hija?" tanong sa akin ni Auntie Monique, ang mama ni Jaeros at Kuya Jake, habang kinikilig pa.

Kaya naman napalingon ako sa Auntie ko at hindi ko mapigilan na pamulahan ng pisngi, dahil sinambit niya talaga ang pangalang iyon. T'ska nasa states sila, bakit kilala kaagad nito si Javier?

I think mama told them, how I meet Javier. Sayang lang talaga dahil wala rito si Javier, pero paano ko naman siya ipapakilala, kung naandito lahat ng pamilya nina mama at papa? T'ska hindi ko nga alam kung ano ba ang mayroon sa aming dalawa ni Javier.

"Hmmm, siguro nga po!" iyon na lamang ang nasambit ko para sa kanilang mga tanong.

"Okay, magsikain na tayo," agaw pansin naman ng mama ko sa kanila, kaya naman ang iba kong mga pinsan ay nasi-alisan na sa paligid ko pati narin ang mga Tito't Tita ko.

Ako naman ay umupo na muna sa tabi ni Mamang Telda at tinitingnan na ang small box, na kulay asul.  Dahan-dahan ko naman iyong hinawakan ulit at inalis na ang lasong nakakabit doon.

Si Mamang Telda naman ay nakatingin lang din kung paano ko iyon dinahan-dahang binuksan. Gusto ko kasing masurpresa kung ano man iyon at napasinghap na lamang ako, dahil kwintas iyon. Hindi lang iyon kwintas, dahil kitang-kita sa disenyo palang na mamahalin na ito. Isang itong Angel Wings at sumisimbolo sa pangalan ko.

Hindi ko naman tuloy mapigilan na tanggalin kaagad kahon at suotin iyon ng may pag-iingat.

"Sobrang, swerte naman yata ng apo ko. Kung sinong lalaki man ang nagbigay niyan sa iyo, t'yak akong magugustuhan ko iyon," ngiting sabi naman ni Mamang sa akin.

"Who is that guy, Mamang. He'll need to get ready, dadaan muna siya sa mga kamay namin," sulpot na sabi ni Kuya Jake kay Mamang, kapatid iyon ni Jaeros, kaya lang ay minsan lang din umuwi dahil sa states sila nakabase.

"Kuya Jake!" tayo ko naman at sabay yakap sa kaniya. "Kumusta na kayo ng girlfriend mo? Kailan kayo magpapakasal?" I asked him teasingly.

"Soon. I'm just saving for our future," nakangiti naman nitong sabi sa akin.

"Sana all!" naiingit ko namang pahayag sa kaniya habang naka-akbay na ito sa akin.

"You look so good on that make up, huh! You're so pretty, pinsan. Congratulations!" pambobola naman nito sa akin.

"Nako, I don't have money here, wala akong maibibigay sa 'yo," ngiti ko naman pahayag sa kaniya.

"Sino namang nagsabi na maganda 'yan?" makapal na mukhang sabi ni Nicko sa akin, habang may hawak-hawak na itong baso ngayon.

Inalis ko naman pag kaka-akbay sa akin ni Kuya Jake at dali-daling kinutusan ang pinsan kong si Nicko. Si Mamang naman ay natatawa lang sa pinang-gagagawa namin ngayon.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon