Kiss me again!
"Ma, Pa! May sasabihin kami sa inyo ni Javier!" tawag ko naman sa parents ko habang tumingin kay Javier at sumesenyas na siya na ang magpaliwanag.
"Huh! What happened magtatanan na ba kayo?" My mom asked me in a panic voice. Kaya hindi ko naman mapigilang maitampal ang kanang palad ko sa aking noo. Kung magtatanan man kami ni Javier, dapat hindi namin iyon sasabihin sa kanila. Itong nanay ko talaga advance na mag-isip. Kakagawa 'yan sa panonood ng mga love stories sa tv, e!
Magsasalita na sana kami ni Javier, kaya lang ay yinakap na nito ang ama ko at nag-drama roon. Hindi nga naman talaga maipagkakaila na sa nanay ko namana ang pagiging dramatista ko. 'Aba, pang famas award yata ang datingan namin.'
"Honey, mawawala na ang anak natin. My only daughter!" Hikbi naman nitong lintaya sa ama ko na natatawa na lang dahil sa pinanggagagawa nang mabutihin nitong asawa.
"Mama! Ang OA, huh? Kahapon ko nga lang 'to nakilala itong kulokoy na mokong na ito tapos magtatanan? Kung magtatanan man sana kami e'di wala sana kami ngayon in front of you!" Maarte ko namang pahayag sa mama ko. Ang kulokoy na mokong na nasa isang single couch ay natatawa naman dahil sa nakikita ngayon na ma ala pelikula ang datingan.
Kaya naman umamba akong susuntukin siya, kaya naman tumahan 'din ito sa pagtawa nito. Binalingan ko naman ang mama ko at tumigil na ito sa pagdradrama niya. At aba best actress ang mama ko, dahil may paluha effect pang nalalaman.
"Mama ang advance mo talagang mag-isip. Can you just listen, first!" Binalingan ko naman ang papa ko na nakatingin na ngayon sa best actress kong ina. "Papa pagsabihan mo nga itong maganda kong ina at asawa niyo po. Nakakahiya sa visitor natin na ubod nang yabang." maarte ko paring pahayag. Ang papa ko naman ay nakita ko na lamang na umiiling-iling ngayon.
"Hijo, pagpasensyahan mo na itong asawa at anak ko. Sad'yang may mga topak lang talaga ang mga ito!" Pagpapaumanhin naman ng papa ko sa lokong ito. Kaya naman nanlaki rin ang mata naming dalawa ni mama at tiningnan nang sobrang sama si Papa.
"Honey!"
"Papa?"
Chorus pa naming tawag ni mama kay papa. 'Si Papa talaga padalos dalos din kung magsalita, e! Sympre saan ka rin ba magmamana, kun'di sa ama mo rin, Angela.'
Si Javier naman ay parang nawiwili na lang din sa nakikita nito ngayon. Nasa sala kasi kami at ang kulukoy na mokong na ito ay dito ulit nag dinner, aba namumuro na yata ang lokong ito. Masarap naman kasi talaga ang pagkain dito sa amin t'ska si Ate Josie rin kasi ang cook namin kaya hindi maipagkakaila na masarap itong magluto, sympre sa tulong 'din ng best actress kong nanay. Kaya nga ang negosyo namin ay mga restaurant, e!
"Ang saya po pala nin'yo kahit kayo-kayo lang," rinig ko namang wika ni Javier sa amin habang nawiwili paring pinagmamasdan ang parents ko. Nagkukulitan na kasi sina mama at papa. Dinaig pa talaga nila ang mga teenagers sa kanto ng village na ito. Kung hindi ko lang talaga sila magulang baka mapagkamalan ko pa silang isip bata ngayon.
Narinig din naman nila ang sinabi ni Javier kaya naman huminto sila at umayos na ng upo. "Ganito lang talaga kami, Javier! Bakit sa inyo ba puros mga seryoso?" tanong ko naman sa kaniya habang tinitingnan na siya sa kaniyang mga mata. Kitang-kita ko naman dito ang sakit at lungkot sa kaniyang mga mata ngayon. Aba nag dradrama rin ang isang ito.
"Hijo, condolence nga pala! Nabalitaan namin yung naging aksidente noon," sabi naman ni mama sa malungkot din na boses. 'Bakit anong nangyari noon? Sino ang namatay?'
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
General Fiction❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...