Chapter 11

182 8 0
                                    

Missing You

"Auntie, okay na po ba ang dadalhin natin? Para makaalis na po tayo ngayon," sabi ko naman habang nakatingin na ngayon kay Javier.

"May kulang pa, Yaya Rosing is on her way here," wika naman nito habang may inaayos na sa compartment ng van na sasakyan namin papuntang Campuestuhan.

Hindi ko naman mapigilan na titigan na lamang si Javier habang kausap nito si Uncle, dahil may naaalala ako sa kaniya. Hindi ko matukoy pero parang familiar na sa akin ang mukha niya dati pa. Para bang may kahawig siya, pero minsan ko lang iyon makita.

Napatingin naman si Auntie sa akin at may pag-aakusa na ito sa kaniyang mga mata.

"Kanina ka pa nakatitig kay Javier? Hindi ka pa ba nagsasawa, baka matunaw na iyan, dahil sa kakatitig mo." She said while laughing.

Mabuti na lang at hindi malakas ang pagkakasabi nito sa akin, dahil nasa bandang kaliwa lang naming dalawa sina Uncle at Javier.

"Auntie, ikaw nga you staring uncle, magdamag. Bakit hindi na ba puwede 'yon?" I asked her too in a stagy tone.

"Why, because he's my husband and I'm his wife." She answered while staring to her husband now and a big smile flustered on her face. "By the way, how's your best friend... Isabelle? I'mma right?"

'Yes, correct si Isabelle nga.'

May namuo namang kasagutan ngayon sa isipan ko. Tama nga akong kahawig minsan ni Javier si Isabelle. Noon pa man ay nakita ko na ito sa mga mata ni Javier, pero habang pinagmamasdan ko nang sobrang tagal si Javier ay nakikita ko roon si Isabelle. Pero baka kahawig niya nga lang talaga ito.

Kaya naman hindi ko mapigilan na umiling-iling at binalingan na lang ang auntie ko at tumango.

"Isabelle is alright, Auntie. She's working at karinderya," nakabusangot ko nang pahayag dito ngayon.

Hindi ko narin natatawagan ngayon si Isabelle dahil naging busy ako nitong mga nakaraang araw dahil sa pamamasiyal namin ni Javier.

"Kawawa rin ang batang iyon," malungkot niya ring pahayag sa akin. Kilala niya rin kasi si Isabelle at nakita rin nito kung ano ang dinanas ni Isabelle, nang mawala si Lola Lucresia.  Binalingan niya naman ng atensiyon si Christian na kumakain na ngayon ng chocolates sa loob ng van. "Tian, finish that."

Humarap naman sa amin si Christian at ang dungis na nito ngayon. Nako mamaya hyper na naman ang batang 'yan at mapapagod na naman si Javier sa kaniya.

Mabuti na lang at magaling din makisama si Javier sa mga bata, lalong lalo na sa pinsan ko. May ilang points kana sa akin Javier, nasa katorse na. Puwede mo pa 'yang gawing isang daan o 'di kaya'y pang habang buhay na.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na nga si Yaya Rosing at dala na ang ibang pinamili na pagkaing dadalhin namin, para sa magiging outing namin ngayong araw.

Tinawag naman ni Auntie ang dalawa at sa tatlong pagkakataon si Javier na naman ulit ang driver, kaya lang ang nasa passenger seat ngayon ay si uncle na ang nakasakay at ako naman ay nasa likod na kasama sina Auntie, Christian and Yaya Rosing.

Nakita ko naman si Javier na tumingin sa rear view mirror at tinitingnan ako. Hindi naman iyon nagtagal dahil umayos na ito para makapag drive na.

"Tomorrow na ang uwi mo, Angela. Ihahatid ka ba ni Javier?" Uncle Miguel asked me.

"Ah opo, Uncle. I think tommorow afternoon na 'ko uuwi," malumanay kong pahayag.

Hindi ko naman mapigilan na hindi malungkot dahil hanggang bukas na lang kami magkakasama ni Javier. I know to myself that he has a lot of responsibilities when it comes to his work. At t'ska alam kong pampalipas araw lang ito ni Javier, para makapag pahinga.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon