Chapter 26

153 9 0
                                    

Sick

"Don't tell this to my mom and dad, Jenna. Ayokong mag-alala pa sila sa akin, " sabi ko naman kay Jenna habang nilalapatan na nito ng cold compress ang pisngi kong sinampal ng ex girlfriend ni Javier.

Gosh, anong karapatan niya na sampalin ako ng ganoong biglaan. Sabi ko na nga ba, e! Malaki talaga ang dagok sa akin pag sobrang close ko kay Javier, eh! Pero wala na naman sila, ah! Desperada lang talaga siguro ang babaeng iyon.

"Okay po, Miss. Pero sino po ba ang babaeng sumampal po sa inyo?" kuryusidad na tanong sa akin ni Jenna.

"For your information, ngayon ko lang din siya nakilala. I didn't know na gano'n ang gagawin niya sa akin," nakasimangot ko nang pahayag ngayon kay Jenna.

"Trespassing din po ang babaeng 'yon. Mabuti na nga rin po at nakapag timpi po ako sa kaniya. Kabilin-bilinan po kasi ni Sir Angelo na bantayan ka,"

"Hays, si Papa talaga! By the way Jenna, 'wag ka nang mag po sa akin. I know naman na matanda ka sa akin ng five years, naasiwa kasi ako," natatawa ko namang pahayag sa kaniya. Siya naman ay ganoon din sa akin.

"Ah, eh gano'n po ba Miss. Sige, Miss. Tawagin niyo na lang ako pag may gusto kayong ipagawa."

"Thank you, Jenna. Puwede ka nang lumabas, ako na ang bahala sa sarili ko."

"Sige po, Miss. Tulungan ko na lang po muna sila sa labas."

Lumabas na nga ito at ako naman ay sumandal na sa swivel chair ko habang nakalapat pa rin sa pisngi ko ang cold compress.

Gosh, nawawalan ako ng gana upang mag trabaho, eh! Hanep na babaeng iyon. Sobrang bigat ng kamay. Dapat nagtanong muna siya, bago niya 'ko sinampal. Nakakainis din 'yong babaeng 'yon, huh!

Tiningnan ko naman sa salamin ang kanang pisngi ko na namumula pa dahil sa malakas na sampal na galing sa ex girlfriend ni Javier. Ano kaya ang gagawin ko? Sasabihin ko ba sa mokong na iyon na hinarass ako ng ex niya? Ngayon lang ako nasampal ng ganito kalakas. At nagsisisi tuloy ako kung bakit napatanga na lamang ako sa kaniya, wala man lang akong nagawa para gumanti. Gosh pag nagkita talaga kami ulit ng babaeng 'yon, hindi lang kanang pisngi niya ang sasampalin ko, kun'di pati na rin ang kaliwang pisngi niya, para 360 degree ang mararamdaman niyang sakit.

Hindi na 'ko lumabas pa sa office ko at tinatawagan ko na lang si Jenna kung may gusto ba akong ipa-utos sa kaniya. Kahit masakit pa ang pisngi ko ay tinapos ko lahat, ang trabahong kailangan kong tapusin sa araw na ito. Nag retouch na lang din ako sa mukha ko, para hindi mahalata ni Javier na namumula ang pisngi ko dahil sa kagagawan ng desperada niyang ex girlfriend.

Tamang alas sais trenta nang sunduin ako ni Javier dito sa restaurant at hanggang sa dumating kami sa building ng condo ay wala pa rin kaming imikang dalawa. Ayokong sabihin sa kaniya na pinuntahan ako ng ex girlfriend niya para sampalin lang ako, ayokong gumawa ng issue dahil lang doon. Kulang lang talaga yata sa aruga ang Khyla'ng iyon.

"Mamayang ako pupunta sa unit mo, para paglutuan ka ng dinner, " sabi ko naman sa kaniya habang nasa elevator kami ngayon pataas na sa kada unit namin.

Nakita ko naman siyang tumango sa akin, habang pinagmamasdan nito ng mabuti ang mukha ko. Kaya naman hindi ko mapigilan na hawakan ang kanang pisngi ko, na nasampal kaninang umaga. Hindi naman siguro halata, dahil naglagay naman ako ng blush on sa dalawang pisngi ko para hindi niya mahalata pa.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon