Drunk
Kinabukasan nga'y pumunta kami sa Laguna para supresahin ang Mamang ko at laking tuwa naman nito na dumalaw ako sa kaniya pati narin si Eros.
Pero nang papauwi na kami ni Isabelle sa Manila ay hindi ko alam ang nangyari, dahil sa bilis nito. Hindi ko alam kung paano papahintuin si Isabelle na 'wag saktan ang sarili niya at pati ako ay nagpapanic 'din. Kahit labag sa kalooban ko ay tinipa ko ang numero na hanggang ngayon ay saulong-saulo ko pa at numero iyon ng cellphone number ni Javier.
Hindi ko naman kaya na ako lang mag-isa rito at pahintuin si Isabelle na saktan ang sarili niya. At ang tanging nagawa ko na lamang ay ang yakapin ito at aluin. Mabuti na lamang ay na track kaagad ni Javier kung nasaan kami ngayon ni Isabelle at laking pasasalamat ko naman na naging maayos na ito nang dumating na sina Javier at Rafael.
"Why is she suddenly, hurt herself?" Javier asked me worriedly about her sister.
"I don't know! She just telling me about the nightmares that she's always dreaming, then she suddenly burst out! She was hurting herself and she was always saying that don't hurt her," ngayon ay hindi ko naman mapigilan na mag panic ulit. Ako ang natataranta dahil sa pinakitang reaksiyon ni Isabelle kanina, eh.
Naramdaman ko naman ang kamay ni Javier na hinahawakan na ang kamay ko ngayon, pero kaagaran ko naman itong tinanggal, dahil bigla na lamang sumulpot si Rafael sa aming harapan.
Napatingin naman ako sa likuran ko kung saang isang metro pa ang pagitan ng sasakyan ni Rafael sa amin. At tinanaw roon si Isabelle, mabuti ay huminahon 'din ito. May tinanong lang si Rafael kay Javier at pumunta narin ito sa kinaroroonan ng sasakyan niya.
Si Javier naman ay walang pasabi na sumakay na sa kotse ko at pinaandar na ang makina ng sasakyan ko. Wala narin naman akong lakas upang suwayin pa siya at pagsabihan, kaya naman sumakay na lang ako sa passenger seat at tahimik lang kami habang byumabyahe. Hindi ko narin tanaw ang kotse ni Rafael sa likuran namin at narinig ko na lang na may kausap na ngayon si Javier sa kaniyang cellphone at si Rafael iyon.
Binalingan naman ako nito. "We're heading to Rafael's condo, I just need to order our foods."
Tumango na lamang ako sa kaniya at isinandal na lamang ang ulo ko sa uluhan ng upuan. Ramdam ko ang pagod at pananakit ng katawan ko dahil 'din yata sa pagmamaneho.
Gaya nga ng sinabi niya ay lumabas nga siya sa kotse dahil huminto kami ngayon sa tapat ng Japanese restaurant at hindi na ako nag abala pang lumabas muli, dahil nangangalay rin ang paa ko. Kaya si Javier na lang ang pumasok, hindi naman siya nagtagal at sa katunayan niyan ay wala pa siyang tatlong minuto sa loob. Siguro iyon 'yong katawagan niya kanina, habang nakapikit ako.
Nauna naman kaming nakarating sa labas ng penthouse ni Rafael at sarado pa ito, kaya naman nag antay pa kami ni Javier ng ilang minuto sa labas nito. At kami naman ni Javier ay wala paring kibuan. Pagkatapos nito ay uuwi narin ako para makapag pahinga. Ay pucha, alam ko na naman na makikisabay ulit si Javier sa kotse mo. Yayamaning tao, pero palaging nakikiride sa kotse ko.
Nag-aayos na kami ngayon ng pagkain sa dining area ng penthouse ni Rafael at malapit na kaming matapos kaya naman iniwan ko na lamang si Javier na nakatingin na sa akin habang naglalakad ako para mapuntahan na sina Isabelle at Rafael sa master bedroom nito.
Pero ang tumambad sa akin ay ang nagmamakaawang babae na nasa harapan ni Rafael. Pero may pumantig na lang sa tenga ko nang tawagin nitong gold digger ang kaibigan ko. Kaya naman hindi na 'ko nagdalawang isip pa na sugurin ito at walang awa ko itong sinabunutan, kung wala lang talaga si Javier nako kalbo na sana ang babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
Ficción General❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...