Chapter 10

185 8 0
                                    

Wish

"Angela, wake up!"

"Auntie, twenty minutes pa please. I'm so sleepy pa and yet I'm so puyat pa." I said in a husky voice while covering my comforter to me.

True naman kasing puyat pa ako, loko kasing Javier at Christian. Pinuyat nila ako dahil sa kakalaro ng chess. At pagkatapos pa no'n ay nanood pa kami ng action movie, kahit na hindi naman ako interesado.

"It's sunday and we need to attend the mass." She said calmy.

Wala naman akong nagawa kung hindi alisin na ang nakatabon na comforter sa sarili ko. Nakita ko naman ang Auntie kong nakatayo sa may paanan ng kama. Nginitian ko naman siya at nagkamot ng ulo.

"Auntie, what time na po ba?" I said while yawning now.

"Six in the morning, please get up now and go to the bathroom. Ikaw na lang ang hinihintay. Ayokong ma late tayo sa second mass."

Kahit masama man sa kalooban ko ay tumayo na ako. "Okay, Auntie wait for me. I'll be quick."

Nakita ko naman siyang tumango at lumabas na sa kwartong ito. Ako naman ay dali-daling tiningnan ang kabinet kung may dress ba akong naiwan dito. Hindi naman ako nagkakamali, dahil may mga damit pa naman ako rito, kaya lang ay kaunti na at maliit na sa akin.

Kinuha ko na lang ang peach na dress above my knee, pagsinuot ko ito ay hapit na hapit sa akin. Hindi naman ito revealing kaya maayos na itong suotin pang samba.

Kaagaran ko namang kinuha ang tuwalya at pumasok na sa bathroom ng kwartong ito. Minabilis ko na lamang ang pagligo ko at pag-aayos. Hindi ko narin na blow-dry ang buhok ko dahil sa pagmamadali.

"Parang may missing piece...-" I whispered to myself.

Napatingin naman ako sa full length mirror para makita ang self ko at may kulang nga sa akin. Wala pa akong suot na sandals. Tiningnan ko naman ang sapatos ko at iyon lang ang available ngayon.

Lumabas na lamang ako habang dala na ang purse ko ngayon. Nakita ko naman ang Auntie na papasok sa kwarto nila ni Uncle kaya dali-dali ako pumaroon.

"Auntie, can I borrow your sandals?" I asked her shyly.

Nakita ko naman siyang tumango sa akin at deritso nang pumasok sa kwarto nito. Sumunod lang naman ako sa kaniya at pumasok na sa walk in closet nila. "Pumili kana, 'wag na yung mataas at sisimba lang naman tayo, Angela," sabi naman nito sa akin habang naglalagay na ng hikaw sa tenga nito.

Ako naman ay pinili lang ang simpleng sandals na kulay peach din para terno na sa damit ko ngayon. Mabuti na lang at nakita ko iyon. Mag ka same size lang naman kami ng paa ni Auntie kaya, nakakahiram ako sa kaniya paminsan-minsan pag wala akong mga dala susuotin pag umuuwi rito.

"Are you done, the three boys waiting for us downstairs."

"Yes, Auntie."

Lumabas naman din kaagad kami ni Auntie para bumaba na. Nakita ko naman ang tatlong lalaki na nasa hapag na at hinihintay na kaming mag breakfast. Si Javier naman ay nakatingin lang sa akin at alam ko sa sarili ko na mangha naman ang ipinapakita nitong reaksiyon sa akin.

Tumabi naman ako sa kaniya at nagsimula na kaming kumain. Wala namang may nag-imikan sa aming dalawa at ang bumabasag lang sa hapag kainan ay ang pinsan ko.

It's been six days na palagi kaming magkasama ni Javier sa pamamasiyal. Sobrang dami kong nalaman sa kaniya at parehas rin sa akin. Marami rin kaming pinuntahan na iba't ibang lugar dito sa Negros at nag enjoy naman ang loko. Parang marami ang nagbago nang makilala ko si Javier. Minsan nga nakakalimutan ko nang tumawag sa kaibigan ko at hindi ko parin masabi sabi sa kaniya na parang nahanap ko na yata ang the one ko sa buhay kong ito.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon