Gun Shots
Tatlong linggo na ang nakalipas nang maka-usap namin sina Auntie at Khyla Nichole. Wala na rin akong naging balita sa kanila at parang naging tahimik ang mga nagdaang araw sa amin.
Pero palagi namang may lumilitaw sa isipan ko na hindi ko mapigilang matakot. Yung para bang may mali o sadiyang tinatakot ko lang ang sarili ko na baka may mangyaring masama.
Bumalik din kami nina Mama at Papa sa Laguna, dahil nga naka-leave ako ng ilang araw dahil na rin sa nangyari noon. At last week ay umuwi na rin sa Negros ang parents ko. At sa susunod na buwan na lang ulit sila babalik dito sa Manila.
Ang kamay naman ni Javier ay gumagaling na, dahil kada uwi niya sa condo niya ay naka-antabay na ko sa kaniya para palitan ng bandage at linisin ang sugat nito.
Kaya lang nitong nakaraang araw ay mas lalo lang siyang naging busy sa trabaho niya, lalo na rin yata, dahil may big project na silang sinisimulan at ang investor nila ay mga tycoon pa sa iba't ibang panig ng bansa. Kaya kailangan nilang mag focus doon.
Ako ay ganoon din ang nangyayari sa akin, dahil mas lalo lang din akong naging busy. Lalo na ng may mga nagpapa-reserved for some formal party about 100 person lang ang capacity. At kada huwebes, sa branch naman ng Laguna ako pumupunta at sabay na rin ang pagdalaw ko kay Mamang.
Next week ay mag leleave ulit ako, para sa magiging birthday ng inaanak kong si Zandrick pati na rin ang nasa heaven na si Aryana. Dahil mag tatatlong taon na ang mga ito. T'ska magtatampo si Isabelle pag nawala ako sa birthday ng kambal niya. Dapat ay kahit kaunti lang kami, gusto niya na kompleto kami roon.
Ngayon naman ay nasa kitchen ako ng restaurant at tinutulungan ang ibang kitchen staff sa pagluluto ng mga order ng customer, dahil marami ang dumarating.
"Janice can you lead me the pepper."
Sumunod naman ito sa inutos ko at 'agad na inilahad sa akin ang paminta.
"Miss, ako na po riyan," isa sa mga kitchen staff dito ang nagsalita.
"It's okay, you can proceed to your work at marami tayong customers."
Tumango naman ito sa akin. Ako naman ay abala sa dalawa kong niluluto, para ma serve na kaagad.
Nang matapos ako ay ramdam ko naman ang sobrang pagod at pag ngalay ng mga binti ko dahil sa pagtayo, pati ang kamay ay gano'n din. Pero satisfy naman dahil walang naging aberya ngayong araw na ito.
"Napaka productive niyo 'ata ngayon, Miss," natutuwa namang wika ni Jenna sa akin habang ipinapatong na nito ang ini-utos ko sa kaniyang cold caramel coffee.
Tumawa lang naman ako sa kaniya habang isinasandal na ang likod ko sa swivel chair. Siya naman ay umalis din, dahil tinitingnan niya rin ang ibang staff kung gumagawa ba ito ng maayos.
Inubos ko lang ang kape na ipinagawa ko at umalis na rin sa restaurant, dahil pupunta pa 'ko sa mall para bilhan ng regaling robot ang inaanak ko.
Naging mabilis lang naman ako sa mall at hindi nahirapang bumili ng ipangreregalo kay baby Zandrick. Dumiretso na rin ako sa building ng condo para makapagpahinga na, at pinark ko na muna ang kotse ko sa 3rd level ng parking lot.
Palabas na sana ako ng sasakyan ng may matanggap akong text sa hindi kilalang numero. Binuksan ko naman iyon at laking gulat ko kung ano ang laman ng text na iyon at may kasama pang picture ko na may nakasaksak na kutsilyo at duguan. Mayroong ding kabaong na pinalilibutan ng mga dugo.
"I hate the fact that you exist. Be careful, coz one wrong move, and you'll face your biggest nightmare inside this bloody coffin, my dear ANGEL. HA HA HA HA HA🔪⚰️"
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
General Fiction❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...