Jealous
Gulat ang nakita ko sa mga mata ni Javier at ganoon din sa akin. Kaya naman ay umalis na ako sa pagkakahawak niya, pero muntikan na naman akong mapasalampak sa sahig, kung hindi ko lang nahawakan kaagad sa kanang braso ni Javier. Nang umayos na ako ay inayos ko narin ang pagtayo ko at hindi ko mapigilang magulat muli dahil sa aksidenteng halikan na nangyari.
Ilang sigundo pa na walang may nag-imikan sa aming dalawa ni Javier at pinoproseso pa ang nangyaring halikan na iyon. Hindi man matagal 'yon, pero ramdam na ramdam ko parin ang lambot ng labi ni Javier sa aking labi. Gusto kong maglumpasay na rito sa harapan niya dahil sa kilig at saya. Pero hindi ko iyon magawa-gawa.
"Manyakis ka!" iyon na lamang ang nasambit ko sa kaniya. Hindi ko maipakita sa kaniya na galit ako, dahil mas namutawi sa akin ang saya na nararamdaman ngayon.
Para hindi nito makita ang hindi ko na mapigilang na pag ngiti ay tumalikod na kaagad ako sa kaniya at naglakad nang sobrang bilis. Naririnig ko naman ang pagsunod nito sa akin, kaya kumuha ako ng sariwang hangin para mahimas-himasan sa mga nangyayari.
"I'm sorry, Lady! I didn't mean it!" paghingi naman nito ng despensa sa nangyari habang nasa likod ko na ito at malapit na kaming lumabas sa resorts na ito. 'Sayang 'di ko man lang na enjoy ang pagpunta namin dito. T'ska ayan na naman siya sa lady-lady na 'yan. Misis nga Javier ano ba!'
"Manyakis ka talaga," sabi ko habang nasa tapat na ng pintuan ng passenger seat. Pina tunog niya naman ang kotse, na senyales na bukas na ito. Kaya naman kaagaran kaagad akong pumasok sa loob at siya ay ganoon din ang ginawa.
Hindi ko na lang siya pinansin, pero siya naman ay hindi parin pinapaandar ang sasakyan na ito, dahil nakatingin lang ito sa akin at tinitingnan ako nang sobrang lalim.
"What are you looking at? Alam kong pretty ako, kaya magsimula ka ng mag drive!" maarte ko namang pahayag sa kaniya at pa ismid na tumingin sa labas ng bintana. Now he start the engine of this car, at ilang minuto pa na hindi kami nag iimikang dalawa.
At hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nakuha ngayon ni Javier ang pinaka iniingat-ingatan ko sa buong buhay ko. 'Para 'yon sa true love ko, e! Pero babawalain ko na lang muna ito ngayon. Baka kasi siya na ang the one ko na magiging prince charming ko sa buong buhay ko!'
Hindi ko namang namalayang kinikilig na pala ako at siya ay naririnig ko nang tumatawa. Binalingan ko naman siya at inirapan. "Tinatawa mo?" Pagalit na tonong tanong ko sa kaniya, pero mas namutawi sa loob ng kotse na ito ang tawa niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na alisin ang seat belt ko at sabunutan siya habang magdra-drive.
"Kinuha mo first kiss ko, alam mo bang sa prince charming ko dapat 'yon!" Malakas na sabi ko sa kaniya habang sinasabunutan ko parin siya.
"Can you stop it now, Misis. Mababangga tayo niyan sa ginagawa mo!" Sigaw naman nitong sabi sa akin. Kaya naman tumigil ako sa pananabunot sa kaniya, pero sinuntok ko naman siya sa kaniyang kanang braso.
Narinig ko na lamang siyang nagmura nang mahina at inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada, mabuti na lang at probinsiya ito, kaya kakaunti lang ang mga sasakyan.
Inalis naman nito ang seat belt niya at tiningnan ako nang sobrang seryoso na, ikinasanhi nang pagtaas ng balahibo ko ngayon. Lumapit naman ito nang lumapit sa akin at ilang dangkal na lang ay magkakalapit na naman ang aming mga mukha dahil sa ginagawa niya ngayon.
"A-ano ang ga-gawin mo, huh?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Pa'no ba naman, ay malapit na kaming magkahalikang dalawa. Gusto ko man na magkahalikan ulit kaming dalawa, pero ayoko naman dito sa sasakyang ito. Gusto ko sa romantic place at doon naman sa resort na 'yon ay hindi rin romantic ang paghahalikan namin. Sad'yang aksidente lang talaga ang naganap at hindi namin iyon sinasadya.
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
General Fiction❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...