Chapter 15

163 9 0
                                    

Like

Ang bilis ng araw ngayon ay birthday ko na pero ni isang text man lang galing sa kaniya ay wala talaga. Ghino-ghosting ba ko ng kulokoy na ito?

"Fuck you, Javier." Malakas na sigaw ko sa harapan ng cellphone ko. Hindi ko naman mapigilan na mag tantrums dahil sa inis sa kaniya. "Bwesit na bwesit ako sa iyo. Gago kang hinayupak na kulokoy ka! From now on, magiging hangin ka na lang sa paningin ko pag nakita ulit tayo, if ever," gigil ko na ulit ngayon na sabi sa cellphone ko na kita ang mukha niya, dahil siya ang wallpaper ko.

Pinang-tabon ko tuloy ulit ang comforter sa mukha ko at hindi ko naman namamalayan na lumuluha na pala ako.

'Bakit ang sakit sa feelings na ghino-ghost ka ng crush mo? Napaka-laking gago mo Javier. Alam mo ba, Javier sa una't sapul pa lang hulog na hulog na 'ko sa 'yo, tapos gaganituhin mo ako.'

I heard someone knocking at my room door, but I refused to open it. Ayokong tumayo at pagbukas kung sino man iyon. Pinunasan ko narin ang mga luhang dumadaloy ngayon sa pisngi ko at inalis na ang nakatabon na comforter sa mukha ko.

Naandito na kami ngayon sa Sipalay at kahapon ay kaka-alis lang nina Uncle John pabalik sa states ulit. At ang dalawa ko namang tito na sina Uncle Gabby at Uncle Nick ay lumuwas 'din para sa kanilang mga trabaho. Mabuti na lang at next week pa ang balik nina Jaeros, Jarred at Mamang sa Laguna. Kaya naman sumama muna sila rito sa Sipalay para magliwaliw.

Narinig ko naman ang pag click ng pintuan at hudyat na may pumasok na nga rito sa loob ng kwarto ko.

"Tanghali na and we'll have our lunch now. Grazhaniel!" sabi naman ni Mama sa akin na nakapamaywang na.

"Ma, later na lang ako kakain." I said in a low voice. Para bang wala talaga akong gana ngayon araw na ito kahit birthday ko pa.

"Go, downstairs now, because your Papa and Mamang are waiting for you now. Pati narin ang mga pinsan mo. It's your birthday at bakit ang sama ng itsura mo ngayon?" nakataas na nitong kilay na tanong sa akin.

"Mayroon po kasi ako," sambit ko at pagdadahilan ko naman sa kaniya, kahit wala naman talaga akong menstruation ngayon.

Pero hindi naman siya nagpatinag sa idinahilan ko, kaya naman napatayo na ako sa pagkakahiga ko.

"Ma, susunod na po ako. I'm just gonna wash my face and change my clothes."

"Okay, hurry up. At atat na atat na mga pinsan mong kumain. Pero wala kapa, kaya dalian mo riyan," natatawa na ngayon nitong pahayag sa akin.

Kahit kailan talaga, mga pinsan ko pag sa kainan na talaga sobrang ang tatakaw. Sympre masarap mga luto ni Mama at Ate Josie, eh. Si Mama ay bumaba na yata, kaya naman ay nagmadali na 'kong mag hilamos at nagpalit lang ng damit.

Pagkababa ko naman ay nadatnan ko na silang nag uumpisa ng kumain. Siguro ay sinabi na ni mama na paparating na ako, kaya nagsimula na silang kumain. At sobrang raming nakahandang pagkain ngayon sa lamesa, na ikinatuwa naman ng mga pinsan ko ngayon. Narito kasi ang makakapatid na sina Kuya Harvey at Gab pati narin ang mga kinulang sa aruga na sina Nicko at Richard. Mabuti pa itong sina Eros at Jarred maayos-ayos pa.

Humalik naman ako sa pisngi ni Papa at ni Mama ganoon din ang ginawa ko kay Mamang at doon tumabi sa kaniya.

"Happy birthday, apo," nakangiting baling na sa akin ni Mamang Telda.

"Thank you, Mamang. Kain pa po kayo," sabi ko naman sa kaniya. "Napaka-rami naman yata yung mga inihanda niyo, Ma," baling ko naman kay Mama na kumakain 'din.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon