Chapter 9

197 9 1
                                    

Destined

"You can borrow my car... -"

"Huwag na Uncle, gusto ko pong mag commute na lang po kaming dalawa ni Javier para hindi na kami mahirapan kung saan ipapark ang kotse. 'Di ba, Javier!"

Tumango naman ang kulokoy na mokong na ito sa akin.

"Okay, I need to go first. I have something errands to do, kahit tanghali na, baka gabihin 'din ako sa pag-uwi." Paalam naman ni Uncle, dahil may trabaho pa ito ngayon sa Bacolod. Nakita ko naman itong nagpaalam na sa kaniyang asawa at anak.

"Keep safe, Uncle!" I said.

Tumango naman ito sa akin at binalingan ngayon si Javier na katabi ko lang na nakatayo.

"Javier, please keep my niece safe."

"Of course, Tito!"

"Okay...!" He said while smiling.

Umalis na nga ito at kami ni Javier ngayon ay naka-ayos 'din. Dahil magsisimula na ang matinding pamamasiyal namin ngayon.

"Mom, I want to go with them too!" Christian said.

"Next time, baby."

"Oo, Tian. Next time sama ka namin ni Kuya Javier mo. But the first thing you need to do is to study and rest... Mag tatake out ako ng seafoods gusto mo ba 'yon?" I asked him gleefully. Nakita ko naman siyang tumango sa akin kaya lang ay nakabusangot naman.

"Auntie we need to go now!" Papaalam ko naman ulit.

"Okay, keep safe to the both of you!"

"Opo..." Masaya ko paring sabi sa kaniya.

Naka-labas na nga kami ni Javier at naka sapatos kami ngayong dalawa. Ako na naka malaking shirt ulit at short at naka ray-ban na ngayon na palagi kong purmahan. Si Javier naman ay naka black shirt at shorts din na naka ray-ban din ngayon.

Kaya naman meant to be talaga kaming dalawa, kahit sa pormahan ay pang couple ang datingan namin ngayon.

"Ano, G kana ba?" I asked him joyfully.

Kumunot naman ang noo nito sa akin. "Napaka slow mo talaga, Mister!" I said while pouting now.

May nakita naman akong tricycle na dumaan sa harapan namin, kaya pumara na 'ko sa kuyang driver.

"Kuya, sa bayan po kayo?" I asked the driver and he nodded at me.

Huminto naman ito at sumakay narin kami ni Javier. "Ano, are you feeling comfortable now?" I asked him while looking in his eyes now.

Tumango lang naman siya sa akin at sa ikalawang pagkakataon na naman ay hinawakan na naman ako nito sa aking baywang. "Namumuro kana!" I said while rolling my eyes to him.

"Mas, feeling comfortable ako pag gan'to ang ayos nating dalawa." He said while smirking at me.

"Ulol, gusto mo lang talaga na chansingan ako, e!"

Siya naman ay nakangisi parin sa akin pero malalim na ang tingin nito sa akin ngayon habang umiiling.

"Angela, please talk like a lady...-"

Pinutol ko naman ito, aba ako pa minamanduhan kung pa'no ba ayusin pagsasalita ko.

"This is myself, so don't teach me how to act properly." I said while rolling my eyes again to him.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon