Chapter 34

137 9 0
                                    

Fault

Kinabukasan ay bumalik kaagad kami ni Javier,  kung nasaan si Isabelle at Baby Zandrick. Mabuti na lang at nagising na rin ito. Pero hindi pa rin matapos-tapos ang pag-iyak niya ng maala-ala niya ulit ang sinapit ni baby Aryana.

Ngayon ay nasa kabilang kwarto ako, kasama si Javier habang siya ay may kinakalikot na naman sa laptop niya, habang katabi lang ako.

"What time ka aalis?" tanong ko naman sa kaniya habang ang tingin ko ay nasa cellphone ko rin, dahil ka text ko ngayon si Mama at tinatanong kung kailan ang balik ko sa restaurant.

Siguro, bukas ay babalik na rin ako sa Manila para aasikasuhin na ulit ang restaurant. At kakausapin ko na rin ang parents ko patungkol sa kondisyon ni Isabelle. Alam kong mauunawaan nila ako, dahil sa parati akong wala sa restaurant kadalasan.

"Later afternoon. Rafael's calling me and asking me where I am now, " lintaya niya naman sa akin at dahan-dahang inilapit ang kanang kamay nito sa baywang ko at mas inilapit pa sa kaniya. "Do you want to go with me, pabalik sa Manila?" tanong pa nito sa akin.

"Bukas na 'ko aalis. Gusto ko pang makasama si baby Zandrick at Isabelle."

Naramdaman ko naman na mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakakapit nito sa baywang ko at kaagad din naging isang yakap.

"Thank you for always there at my sister side. I owe you a lot and I haven't giving you a reward," bulong pa nito sa akin at ramdam ko naman ang isang halik nito sa gilid ng ulo ko

"Anong reward naman 'yon?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"I don't know. I just want to give myself a day off from my heavy works and to be with you for all days. Despite of this problem that we are facing now."

"Weh, baliw!" natatawa ko namang pahayag sa kaniya. "So, what did you answer whereabouts right now?" tanong ko naman sa kaniya at tinutukoy roon si Rafael.

"I told him that I am with you. And we're dating!"

"Are you crazy? Dapat nag-isip ka pa ng ibang excuses," hindi ko tuloy mapigilang mapa-simangot.

"Why? Bakit ayaw mo bang malaman nilang we're in a relationship?" malakas nitong tanong sa akin. Kaya naman 'di ko mapigilang takpan ang bunganga nito gamit ang dalawa kong palad, kaya naman mas naging malapit ang katawan namin sa isa't-isa.

"Please keep your voice low, maririnig ka ng iba niyan e," wika ko naman habang inaalis na ang dalawang palad ko sa bibig niya.

"Why? Do you want this to keep it a secret?" batong tanong naman nito sa akin at hindi ko mapigilang mapatango na lang sa kaniya.

"For me I want to keep it secret. You know that I just recently rejected JM and you need to settle down your relationship too with Khyla Nichole. Ayoko lang na may masaktan at magalit. Do you understand? I want to keep it lowkey and private. We just needed a time para masabi sa kanila, kung ano ba talaga ang relationship nating dalawa. Hindi ka naman maiinip 'di ba?" mahabang paliwanag ko sa kaniya at tanong.

Kaya naman napasimangot na lang ito sa akin at hindi ko naman tuloy mapigilan na pang-gigilan ang mga pisngi nito ngayon.

"Sto-stop it? Or I will ki-kiss you torridly?"

Kaagad ko naman tuloy binitawan ang pisngi niya, pero nagulat naman ako ng kaagaran niya akong sinunggaban ng halik at hindi naman ako nag abala pang mag protesta sa ginawa niya. Mabilisan lang din kaming naghiwalay dahil ang cellphone nito ay kaagad na tumunog at ang naka rehistro na pangalan doon ay ang pangalan ni Khyla Nichole.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon