Misunderstanding
Last-last week nga ay pumunta ako sa bahay nina JM para bisitahin si Tita Iya. Nag saya kami roon at panandalian kong nakalimutan ang nakita ko noon sa condo ni Javier.
Si JM naman ay ganoon pa rin ang ginagawa. Hatid sundo niya 'ko at sa katunayan niyan ay mas lalo lang kaming napapalapit sa isa't isa. At hindi ko rin mapigilan na magulat ng lumipat siya at katabi lang ng condo unit ko iyon. Kaya ng makalipat na siya ay sabay na kaming kumakain minsan ng breakfast o 'di kaya'y dinner. At si Javier ay hindi na nagpapakita ulit sa akin. Hindi ko alam kung nagsasawa na ba siya dahil sa kakataboy ko sa kaniya, kaya wala na ulit siyang paramdam sa akin.
Ako naman ay magdamag na nakatutok sa laptop ko dahil hindi pa rin ako tapos sa pag rere-search ng bagong dish para Engel Fancy Restaurant at para maipakita na ito kay Papa pag dumating na sila before Christmas sa Laguna.
Pero nahinto iyon ng may tumawag sa cellphone ko. Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag at si Javier iyon. Hindi ko alam kung bakit nag huhumerentado sa bilis ang puso ko ngayon at hindi na mapakali. Bakit tumatawag ang kulokoy na mokong na ito sa akin?
Tiningnan ko naman ang orasan at quarter to five pa lang naman ng hapon. At ako naman ay nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba ang tawag ni Javier sa akin ngayon. Nang pipindutin ko na sana ay siya naman itong pagkawala ng tawag niya, pero kalaunan ay tumatawag na ulit ito. Kaya naman hindi na 'ko nagdalawang isip pa na sagutin iyon. Hindi ko alam, pero sa kaloob-looban ko ay may nararamdaman akong parang may masamang nangyayari.
"What?" pabungad kong tanong sa kaniya.
"Naand'yan ba si Therese?" I can feel in his voice that he was really worried about his sister.
"She wasn't here, why?" tipid kong tanong sa kaniya.
"I'm here at there house. And Nanang told me, that Therese was going to see you. Wala ba r'yan ang kapatid ko?" mas nag-aalala na nitong tanong sa akin.
"I said she isn't here. Baka namasiyal lang! And she was not texting me or telling me, that she'll going to see me. Did you call her already, ba?" tanong ko naman sa kaniya sa kabilang linya.
"Yes, but her phone is cannot be reached."
"Okay. I need to end this call, so I can call her where she's right now."
Narinig ko naman siyang nagsasalita pa kaya lang ay naibaba ko na ang tawag niya.
At saan ba pumunta ang babaeng iyon? Nitong nakaraan lang sila naka-uwi galing sa honeymoon nila ni Rafael, ah. Bakit may nangyari bang masama na hindi ko alam?
Kaya naman dali-dali kong pinindot ang numero nito at tinawagan, pero cannot be reached nga ang loka. Tinadtad ko na rin siya ng text pero ni isang response ay wala.
'Nasa'n kana ba, Isabelle?'
Hanggang sa makarating ako sa condo ko ay gano'n pa rin ang ginagawa ko. Wala akong tigil sa kakatipa sa cellphone ko para lang ma contact si Isabelle. Mabuti na lang din at hinatid lang ako ni JM sa condo dahil may tatapusin pa ito sa opisina niya.
Nakita ko namang tumatawag si Javier sa akin kaya naman sinagot ko na ito.
"Ano? Is there any progress about where's Therese right now?" pabungad kong tanong sa kaniya. Pero narinig ko lamang sa kaniya ang isang malakas na buntong hininga.
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
Narrativa generale❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...