Ordered
Wala akong nagawa kun'di sumakay sa kotse ni Javier hanggang sa makarating kami sa condo ko, habang inaalalayan ako nito. Dahil mas lalo lang yatang sumama ang pakiramdam ko.
"Thank you, you can go now, Mister," lintaya ko habang umuupo na sa kama ko.
"Later, I'll take care of you, until you'll be fine," sagot naman nito sa akin habang nilalagay na nito ang bag ko sa couch.
"Just go to your unit now, Javier...-"
Pinutol naman ako nito at tiningnan lang ako nang sobrang lalim. "Don't be to hard headed, Angela. Change your clothes now. I'll cook you a soups, para mainitan ka and I'll just buy you a medicine," aniya at lumabas na sa kwarto ko.
Wala naman akong nagawa kun'di magpalit ng damit at mahiga sa kama at ibalot sa comforter ang buo kong katawan. Ramdam ko ang init na nang gagaling sa bibig, ilong at sa mata ko. Akala ko'y sinat lang pero mas lumala pa yata ngayon. Dapat kasi uminom na 'ko ng gamot kahapon pa lang. Ayan tuloy, kasama ko na naman si Javier.
Hindi ko naman mapigilan na ipikit ang aking mga mata at matulog.
Nagising lang ako nang maramdaman kong may cold compress nang nakalagay sa noo ko. At ang boses ni Javier na may kausap sa kaniyang telepono.
"Yes, Tito... Don't worry about her. Opo naandito naman po ako. Later, I'll say this to her..."
Naramdaman ko naman na lumalapit na siya sa kinaroroonan ko at inayos ang comforter na nakabalot sa buong katawan ko.
"Sinong kausap mo?" tanong ko sa kaniya habang iminumulat na ang mga mata ko. Pero bumungad naman sa akin ang mukha ni Javier na sobrang lapit na pala sa mukha ko. Pero kaagad naman siyang umayos ng tayo at sinasagot ako.
"Your father. I already finished making your soups, kukunin ko lang," mabilisan naman siyang lumabas sa kwarto ko at ako naman ay dahan-dahang umupo sa kama.
'Bakit niya naman katawagan si papa?'
Hindi naman nagtagal ay pumasok na nga ulit si Javier at may dala-dala ng tray habang naandoon ang isang bowl na may laman yatang soup na niluto niya at isang basong tubig, naandoon din ang gamot na iinumin ko.
"Eat now and drink your medicine after you finish it," pahayag niya naman, habang nilalapag na sa kama ang table tray.
Pinagmasdan ko lang naman siya sa kaniyang ginawa at hindi ko naman mapigilan na pagtaasan siya ng kilay.
"What?" tanong nito sa akin na nakakunot na ang noo. "Eat now, para maka-inom ka na ng gamot," dagdag niya pa sa akin.
Kinuha ko naman ang kutsara at dahan-dahang tinikman ang ginawang niyang soup para sa akin. Sa katunayan niyan ay wala akong malasahan, pero kinain ko pa rin iyon. Si Javier naman ay pinagmamasdan lang akong kumain, kahit naasiwa ako ay hindi ko na siya binalingan pa ng pansin.
"Kumain kana?" tanong ko naman sa kaniya habang nakakalahati ko na ang laman ng bowl. Nakita ko naman siyang tumango sa akin at pinagmasdan lang nang mabuti ang mukha ko.
"Why are you talking to my father? Sinabi mo sa kanila na may sakit ako?" dagdag ko namang tanong sa kaniya.
"Uhmm... Yes...!" tipid naman nitong sagot sa akin. Ako naman ay hindi ko mapigilan na paningkitan siya ng mga mata.
"At kailan pa kayo may komunikasiyon ni Papa?" pag-aakusa ko namang tanong sa kaniya.
"Matagal na...," mas tipid niya pang sagot sa akin. "Finish that. Mamaya ko sasabihin," dagdag niya pa sa akin.
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
Ficción General❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...