Chapter 28

146 9 0
                                    

Angry

"So, how are you JM?" tanong ko nang maka-upo na ulit sa harapan niya.

"I'm fine. I'm happy to see you again!" natatawa naman nitong pahayag sa akin at inayos ang buhok nitong bagsak na nakatabon na sa kaniyang mga mata.

"Kumusta buhay, Australia?"

"At first, we're adjusting ourselves because of the new environment and society. Socialize with other people and to their culture. Mahirap sa una pero, kinaya namin para makasama lang si Mama, para labanan ang sakit niya," buntong hininga naman nitong sabi sa akin at ngumiti ng matamis. Gaya pa rin siya ng dati, hindi pa rin naalis ang ngiting iyon.

"That's good to hear that. Akala ko nga hindi na kayo babalik. Kaya I was shocked na nakita kita sa airport and my cousin didn't tell about you, that you're here na pala sa Pilipinas," nakasimangot ko na ngayong pahayag sa kaniya. Pero si JM naman ay tinawanan lang ako at ginulo nang bahagya ang buhok ko.

"He didn't know about this too, na bumalik na kami rito. Nalaman niya lang noong umuwi ako last time sa Laguna for visiting our house," natatawa na naman nitong wika sa akin. Ang saya ni JM ngayon, ah!

"Haysss! Ayan ka na naman!" Layo ko namang sabi sa kaniya at inayos ang buhok ko na ginulo niya.

"And you're still the same, Grazhaniel Angela. You're still a brat, kaya minsan stress na si Lola Telda dahil sa kakulitan mo, pati na rin si Jaeros," mahina naman nitong halakhak sa akin.

Magsasalita na sana ako kaya lang ay dumating na ang order nito na si Jenna ang nag served at ang binigay naman sa akin ni Jenna ay juice lang na hindi gaano malamig.

"Thanks, Jenna!" tumango naman si Jenna sa akin at nag-paalam.

"So, five years na pala since you and your family migrate sa Australia, para roon ipagamot si Tita," lintaya ko naman sa kaniya habang binalikan ang nakaraan.

"Yes everything has changed ng pumunta kami roon. And God spirit mama survived for fighting against her disease. At doon ko na rin pinagpatuloy ang pag-aaral ko," masaya namang pahayag sa akin ni JM.

"Did you and Eros are still meeting or communicating?" tanong ko naman sa kaniya. Dahil best friend ito ni Jaeros at sa katunayan niyan ay kapit-bahay lang namin sina JM sa Laguna kung saan nakatira si Mamang.

"Yes, I think last six months na yata ng binisita ko ang bahay namin sa Laguna, as I said recently. And fortunately naandoon si Jaeros kasama si Lola Telda. At itong month na 'to nagkita rin kami nagtatawagan din kami minsan ng pinsan mo," sagot niya naman at uminom ng iced tea sa baso.

"Next time, if you have a spare of time. You can visit my mother. Alam ko naman na sobrang close kayo sa kaniya ni Isabelle. Oh! Speaking of Isabelle, I didn't see her," nagtataka na nitong lintaya sa akin. Hindi ko naman masabi-sabi na kasal na si Isabelle at baka masabi niya pa iyon sa pinsan kong heart broken pa rin pag dating kay Isabelle.

"Yah, next time. Sasabihin ko sa 'yo kung kailan ako free, para na rin mabisita ko si Tita. Sa Makati lang naman kayo 'di ba? So ilang oras lang naman ang byahe," excited ko namang panayam sa kaniya. Nakakamiss din ang mga memories ko kasama si Tita Iya, t'ska gusto ko rin itong kamustahin.

"Mama, well really happy to see you if ever you'll visit her," ngiti naman nitong sabi at uminom ulit sa ice tea nito.

"Oo nga eh! By the way, wala ka na bang trabaho?" nagtataka ko namang tanong sa kaniya. Umiling naman siya at sumubo sa hiniwa nitong steak.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon