Chapter 1

478 12 0
                                    

Bachelor

"Try mo kayang ikaw naman ang mag call sa akin. Ang poor ng signal mo, Therese Isabelle Bitalyes. Nawawala ka. End ko muna itong call, huh!"

Naandito ako ngayon sa dalampasigan na parating kong pinupuntahan at kausap sa kabilang linya si Isabelle. Hindi ko kasi marinig ang sinasabi niya, dahil napuputol ito. Kaya naman pinatay ko muna ang tawag, para siya naman ang tumawag sa akin

Noon pa man kasi, sinasabi ko na sa kaniya na palitan niya na ang cellphone niyang galing pa yata sa baol ni Lola Lucresia. May topak na kasi, e! Pero joke lang iyon, nabili niya lang iyon sa halagang two hundred pesos sa bangkita.

Paano ba naman ang access lang naming dalawa ay text, kung hindi ay tawag. Napaka old talaga ng kaibigan ko, hindi ko alam kung galing ba ito sa sina-unang panahon, e. Kasi kahit social media ay wala ito, kaya nagtitiis na lang akong tawagin at i-text siya. Hindi ko naman kayang hindi siya tawagan o i-text man lang, dahil may pusong mamon din naman ako. Nag aalala sa kaibigan ko.

Gusto ko ngang palitan ang cellphone nito, pero umaayaw naman, dahil kaku niya naman sa akin, marami na akong naitulong sa kaniya. Duh! Parang kapatid ko narin si Isabelle at siya lang talaga ang kaibigan ko.

Wala rin akong pinsan na babae na malapit sa akin talaga, dahil malayo naman ito. Kung wala rito sa Pilipinas naandoon naman sila sa ibang bansa, pero iilan lang naman sila. Ang close ko namang mga pinsan ay mga lalaki, kaya minsan, noon pagkasama ko sila na pagkakamalan akong tomboy.

Eww! FYI, hindi lang nila alam kung paano ako magaling dumala ng mga damit at matataas na heels. May agency nga na gusto akong kunin sa pag momodelo, pero ayaw naman ni Papa. Napaka strict kasi no'n, kasi ako lang ang anak nito at unica hija pa.

But sad to say na magkahiwalay kami ngayon ni Isabelle. Kinuha kasi ako ni Mama at Papa, para rito sa Bacolod ako mag-aaral, sa kilalang college school, kung saan grumaduate ang Mama ko. At para narin maturuan ako ni Papa kung paano ba palakarin ang mga business namin. Pero sinabi naman nito na pag naka-graduate na ako ay ako na ang mamamahala ng restaurant namin sa Mandaluyong.

'Wahh! Gusto ko na tuloy magbakasiyon sa Laguna at makasama ang best friend ko, pati narin ang iba kong mga pinsang lalaki roon at si Mamang.'

Naramdaman ko naman ang pag vibrate ng cellphone kong hawak-hawak ko ngayon, na hudyat na tumatawag na nga si Isabelle.

Pinindot ko naman ang answer button at naging okay na ang pagsasalita nito sa kabilang linya.

"So, kumusta ka naman? Mag tatatlong taon kana riyan sa karinderyang pinag-tatrabahuhan mo."

"Okay lang ako, basta may sahod ako at nabubuhay araw-araw. Hindi naman hassle itong trabaho ko." Pagsasalita nito sa kabilang linya, pero narinig ko parin ang pagbuntong hininga nito.

"I told you, na didto ka na lang sa balay ni Mamang!"

Tumawa naman ito sa sinabi ko, ano naman ang nakakatuwa roon.

"Huwag mo nga akong kausapin sa lengguwahe niyo r'yan. Didto, balay? Ano 'yon?"

Kaya napahalakhak naman ako sa sinabi niya. Loka 'tong Isabelle na ito, ah! Palagi ko naman siyang kinakausap na may bahid na hiligaynon, pero hindi parin talaga ito maalam.

"I said, doon ka na lang sa bahay ni Mamang." Paguulit ko naman dito.

Narinig ko naman itong sumigaw.

"Ikaw, kaya ang umuwi rito at tumira kay Lola Telda, alam mo namang binasted ko si Jaeros, e! T'ska wala pa sa isip ko ang ganiyan." Natatawa parin nitong sabi sa akin sa kabilang linya.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon