Chapter 17

163 8 0
                                    

Using Me!

Tanghali na 'ko nagising dahil lang sa kakaisip kay Javier. Kahit ba naman sa pagtulog ko siya parin ang nasa isip ko. At pati narin sa panaginip ko dinadalaw parin ako ng pagka-sinungaling ni Javier. Pero sabi nga sa sabi-sabi pag napapaginipan mo raw ang isang tao ay hindi ka rin daw mawala-wala sa isipan niya.

'Neknek mo, Javier. Ughhhh kairita!'

Ang ginawa ko na lamang sa tanghaling iyon ay naglinis ng kwarto ko at mas inayos pa ang mga gamit. Siguro sa susunod ko na lang din aayusin ang mga nasa living room, pati sa kichen. At ang ibang mga gamit dito sa condo ay natatakpan parin naman ng mga puting tela. At hindi ko pa alam kung kailan ako magkakaroon ng oras para mamili ng mga groceries. Sobrang dami ko pang gagawin at sa next monday na ang start ng pag mamanage ko sa restaurant namin.

Napansin ko naman ang wall clock at hindi narin ito gumagana pa, kaya naman tiningnan ko na lang ang relo ko kung anong oras na ba at nalipasan 'din ako ng gutom dahil alas tres na. Kaya naman kumuha na lamang ako ng biscuit na nasa maliit na maleta. Naroon kasi ang pasalubong ko kay na Isabelle at Mamang Telda.

Tinatamad na 'ko lumabas at pagod 'din ako. Ilalaan ko pa 'to mamaya dahil tatawagan ko ang babaitang Isabelle na iyon. At susunduin kung saan ba ang kompanya ng mga Lacson.

Gaya nga ng naiisip ko ay tinawagan ko nga ang kaibigan ko at aba nag sinungaling pa ito sa akin. Alam kong may maganda naman siyang dahilan kaya kinon-consider ko na lang talaga ito. Pero lagot parin naman siya sa akin. Dinahilan pa kasi ang electricity kaya raw na lowbat ang cellphone nitong galing pa sa kanuno-nunoan niya.

Mamayang six ko siya susunduin at sinabi narin nito sa akin kung saang exact location ba siya nag tratrabaho.

Binuhos ko ang lakas ko sa paglilinis lang ng kwarto ko at natulog na naman ulit. Nagising ako ng bandang alas singko trenta ng hapon. Kaya naman dali-dali akong nagbihis at ang nakuhang ko lang na damit sa kabinet ko ay sleeveless at shorts lang.

Miss ko na ang kaibigan ko, t'ska susunduin ko lang naman siya at bibili na lang din kami ng kakainin namin dito at dito ko narin siya patutulugin. Kaya siguro okay na 'tong damit kong susuotin.

Nagbukas naman ang elevator at sa ikalawang pagkakataon lumantad na naman ang pagmumukha ngayon ni Javier sa akin. Kahit ba naman dito, magkakasalubong pa kami? At bakit naka suit pa ito? Mag gagabi na, ah. Ano ba siya kamo naka nightshift?

'Diyos gino-o purisima. Ang gwapo niya parin!'

Hindi ko naman siya pinansin at sumakay narin sa elevator pababang parking lot sa 3rd level ng condong ito.

Naaasiwa naman ako, dahil ang lagkit na ngayon ng tingin sa akin ni Javier. Kaya hindi ko naman mapigilan na balingan siya at pagtaasan ng kilay.

"Why are you looking me like that, huh? You didn't know that, it feels like rude to me now. Para kang manyak!"

Pero ang loko ay pinagtaasan lang ako ng kilay. 'Aba, bwesit na mokong 'to, ah'.

Magsasalita na sana ulit ako kaya lang ay naunahan na ako nito.

"It's cold outside and now your dressed was so revealing. Why aren't you covering your body a jacket." He said in a very cold voice.

"Eh, paki mo ba, Mister. Did I know you very well? Why are you acting like my father!" mataray ko namang pahayag sa kaniya. Dinaig niya pa ang papa ko kung manermon sa akin, ah!

Pero narinig ko na lamang siyang bumuntong hininga at nagpipigil na ng galit.

Bakit siya magagalit? Kung ayaw niya akong makitang nakaganito lang, 'wag siya kamong tumingin.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon