Chapter 35

137 9 0
                                    

Scandalous

Nagulat naman ako ng pagkarating ko sa kotse ay naandoon na si Mama at hinihintay ako. Akala ko ba nasa ward pa rin siya at kausap si Khyla Nichole.

"Did you cry?" She asked me carefully. Alam ko si Mama tinatantiya niya lang ang ibinatong tanong sa akin ngayon.

Umiling lang ako sa kaniya at inayos ang sarili ko. "Tapos na po kayong makipag-usap kay Auntie Susie at sa anak niya?" tanong ko naman sa kaniya habang binubuksan na ang engine ng sasakyan.

"Yes and Nichole was suddenly burst out and she's calling Javier's name. Eh nagpaalam lang naman si Javier na may kakausapin lang ito sa cellphone niya," wika naman ni Mama, pero alam kong nag mamaang-maangan lang ito, dahil alam niyang nagka-usap kami kanina ni Javier.

Hindi na ako nag-atubili pang magsalita muli, at nag focus na lang sa pag da-drive para makarating na sa restaurant. At si Mama ay wala ding ginawa at kinalikot na lang ang cellphone nito na para bang may ka text siya.

At gaya nga ng napag-usapan namin ni JM sa cellphone ay pumunta nga kami ng parents ko sa kanila para sa dinner party na inhihanda nila kay Tito Mavy. Naging maayos naman ang naging dinner at nag get together lang ang mga parents namin, dahil matagal na ring hindi sila nagkita-kita. At sa gabing iyon ay nakalimutan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Javier.

Kinabukasan ay balik trabaho na ulit ako at ang parents ko naman ay bumalik na ulit sa Laguna para makasama pa si Mamang Telda for two weeks at babalik din sa Negros.

Ako naman ay walang ginawa magdamag kun'di magtrabaho at tulungan ang iba kong mga staff sa kanilang gawain. At si Javier naman ay kada oras-oras nag te-text sa akin. Dahil sa makulit at matigas ang ulo ay hindi na ako nag-abala pang i-text din siya

Naging ganoon ang sitwasiyon ko sa apat na linggo. Inabala ko ang sarili ko sa kakatrabaho at si Javier naman ay dumadaan dito sa restaurant ko para kausapin ako. Kaya lang wala naman akong ginawa kun'di ignorahin lamang siya at tingnan siya ng nakamamatay na tingin. Pero hindi naman siya tumitigil upang kausapin ako at suyuin.

'Sadiyang may toyo lang talaga ako minsan.'

Magsama sila ng ex niyang baliw pa rin sa kaniya. Dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko dahil okay lang sa kaniya na mas mapalapit pa rin siya sa ex niyang kinulang sa aruga. Pesteng yawa, daig pa bata kung mag hysterical pag hindi nakikita si Javier.

Pero ngayon ay kasama ko si Javier at naandito kami sa parking lot ng condo habang nasa sasakyan niya pa rin kaming dalawa. Dahil hindi lang naman ito tumigil, kakapamilit sa akin na sabay na kaming umuwi sa building ng condo, kanina pagdating niya pa lamang sa restaurant.

At tinawagan niya pa si Papa para pumayag lang ako at sinabing boyfriend ko na siya. At si Papa naman parang wala lang sa kaniya at malakas pa itong tumawa. Bakit alam na ba nila? Sinabi na ba kaagad iyon ni Javier sa kaniya? E'di alam na rin ni Mama? Gosh, ako dapat magsasabi, eh. Grabe mautak din talaga 'tong loko na 'to.

"Just give me a time, to make this situation to be okay, Angela. Please, wait for me. And please don't ignore me. I don't want to lose you and break our relationship. I know we're still not in the middle of this relationship. So, please understand me. I'm just finding the right time to talk with Nichole, and tell her about us," lintaya nito sa akin ng hindi pa rin ako nagsasalita.

Hindi ko naman tuloy mapigilang pag-ikutan siya ng mata at narinig ko lang naman siyang bumuntong hininga, habang wala pa rin itong kupas na nakatitig sa akin. Kaya hindi ko rin tuloy mapigilang mapabuntong hininga at kita ko naman sa mukha niya na para bang natutuwa siya sa naging reaksiyon ko.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon