LQ & Kiss!
"Tulog mantika ka pala!" Natatawa nitong sabi sa akin, habang nag dra-drive parin ito papunta sa bayan.
"Eh, paki mo naman kung tulog mantika ako. Nakaka bwesit ka! Sarap na sarap ako sa sleep ko, kanami na ka damgo ko. And you ruin it!" Nang gagalaitin ako ngayon sa galit habang nakatingin na sa kaniya. Pero nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito, dahil hindi siguro maintindihan ang sinasabi ko.
"Damgo?" He asked me confusedly.
"Ewan ko sa 'yo, bilisan mong mag drive. Kupad naman, e," sabay baling ko na lamang sa mga nadadaanan namin.
Eh, totoo naman kasing nasira yung maganda kong panaginip. Nanaginip na naman ako na kasama ko ang prince charming ko at nasa isang isla kami. Nagmumuni at maghahalikan na sana. Pero teka sino nga ba yung nangalikot sa tenga ko?
Binalingan ko naman ulit si Javier at nakatutok na lang ito sa pagmamaneho. Ako naman ay hindi ko mapigilan na pagmasdan ang mukha nitong ubod nang gwapo. Saan kaya ito pinaglihi? Gusto ko siyang tanungin nang maraming bagay tungkol sa kaniya. Pero ayoko naman na maging desperada talaga at hanggang kailan ko kaya makakasama ang mokong na ito?
Napatingin naman siya sa akin, kaya naman pina-ikot ko na lamang ang mga mata ko sa kaniya at nginisihan siya.
"Ikaw yung nangalikot sa tenga ko ano?Hinayupak ka talaga!" hindi ko alam kung bakit ganoon yung tinanong ko sa kaniya. Siguro gusto ko lang siyang maka-usap habang nagmamaneho ito. Tapos uunti-untiin ko nang magtanong sa kaniya.
Narinig ko naman siyang tumawa at tumango habang nagmamaneho parin. 'Kung ako pinagdrive mo sana mga ilang minuto pa lang nakarating na tayo sa bayan.'
"Bwesit ka! Alam mo bang maghahalikan na sana kami ng lalaki na parati kong napapaginipan tapos pinutol mo! How dare you to that!" nagtitimpi naman akong suntukin siya sa kaniyang braso. Nakakaloka ang mokong na ito at nakakasira siya kamo ng ulo ngayon.
"We can resume it now," sabi naman nitong natatawa pa. Ako naman ay nangunot na ang noo dahil sa sinabi nito. 'Anong resume-resume ang pinagsasasabi nang bwesit na ito?' bulong ko naman sa sarili ko. Pero ang loko siguro ay nakapaglinis na ngayon ng tenga kaya rinig na rinig niya ang sinabi ko ngayon.
"The kissing scene, do you want me to kiss you right here?" Nakangisi na nitong tanong sa akin, habang ako naman ay pinagmumulahan na ng pisngi dahil sa sinabi nito.
Gusto kong umu'o at malaman kung gaano kalambot ang labi nito, pero may prinsipyo parin naman ako, t'ska hindi pa naman ako desperada at loka-loka.
"Kung kiskisin ko kaya mukha mo sa manibela. Napaka manyak mo, Mister!" Sigaw ko naman sa kaniya at hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi siya masuntok, kaya nasuntok ko naman ito sa kaniyang kanang braso at narinig kong umigik na lamang siya sa sakit.
"Lady na sadista at amazona pa," iyon naman ang narinig kong sinasabi nito.
'Oo inaamin ko na sadista at amazona ako, pero ang hinayupak na ito, ayoko talaga siyang naririnig na tinatawag akong lady.'
"Alam mo, Mister 'wag mo 'kong matawag tawag na Lady, ayokong pakinggan. Maganda naman sana pero ikaw ang nagsabi. Nakakasuka!" sabi ko naman na parang nasusuka na nga sa kaniya. 'Paki-alam niya, e, sa maarte ako, e!'
"So, should I call you, Misis? 'Cause you don't want me to call you. Lady!"
Namilog naman ang mga mata kong nakatingin sa kaniya dahil sa gulat. Siya naman ay nakangisi nang nakatingin sa akin at binalik din kaagad ang mata sa daan.
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
Fiksi Umum❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...