Dinner
"Hinayupak na alon, tuh oh! Pa'no na ako uuwi nito?" sabay pagpag ko naman sa hita kong may mga buhangin na.
Madilim na ngayon at ang tanging nagpapasinag lang sa gawi namin ay ang ilaw sa mga cottage, may nakita rin naman akong nag bobonfire sa hindi naman kalayuan sa aming dalawa.
"Can you hawak-hawak may phone at earphone muna," hindi ko naman siya pinasagot pa at pinahawak na ang cellphone at earphone ko sa kaniya.
Mabuti na lang at kinuha niya naman ito. Ako naman ay kinuha ang malong na basang-basa at piniga ito. Inayos ko narin ang damit ko, mabuti na lang din at naka t-shirt akong itim at naka shorts lang.
Nang matapos naman ako ay tiningnan ko naman siya at pinapanood lang ako nito sa aking ginagawa.
"What are you looking for?" Maarte kong tanong sa kaniya.
Umarko lang naman ang labi nito, na senyales na ngingiti na ito, pero nagkamali ako kasi ngumuso lang ang loko.
Naglakad-lakad naman ako at siya naman ay nakasunod lang sa akin. Basa parin ako at siya ay gano'n din.
"Let's go to my villa... -"
Nanlalaki naman ang mga mata ko habang lumilingon sa kaniya at pinagkrus ang mga braso ko sa aking sarili.
'Gago, anong gagawin sa 'kin nito. Hahalayin na ba ako nito. Hindi pa ako handa! Hindi ko pa nga nalalaman kong sino ang the one ko, e.'
"What are you thinking! You're so green minded! I just want to lend you a shirts!" sabay kamot naman nito sa ulo niya.
Hindi ko naman namamalayang napatitig na ako sa katawan nito. Basa nga pala ito at hurmang-hurma ang abs nito sa kaniyang white t-shirt. Pero naputol din naman iyon nang tumikhim ito habang may multong ngiti na sa labi nito ngayon.
"Are you done, checking my abs? Want to touch it? It's very free!" He said while smirking at me.
Pinamulahan naman ako ng pisngi ngayon. Mabuti na lang at madilim na, hindi niya makikita ang malakamatis kong mukha ngayon.
"Manyak, ka talaga ano!" sambit ko naman dito sa pagalit na tono.
Pero hindi man lang ito napapitlag, at mas lalo lang itong ngumisi sa akin.
'Bakit ba kasi kina-usap ko pa ang mokong na ito. Nakakasira siya kamo ng bait ngayon at gabi. Nakaka-stress, gusto ko na lang umuwi at kumain.'
"What, hindi ako manyak at concern lang ako sa 'yo!" may pa kumpas ng kamay pa nitong sabi sa akin, habang hawak-hawak pa pala nito ang cellphone at earphone ko.
Padagli ko namang kinuha sa mga kamay nito ang cellphone at earphone ko. Uuwi na ako ngayon, bahala na si batman, kahit basa ako ngayon. T'ska gabi na, lagot na ako nito kay Ate Josie.
Humangin naman bigla, kaya naman kinilabutan ako at nanginig. Pero nagulat na lamang ako ng kunin nito ang isa kong kamay at naglakad kami, kung saan bang banda ngayon ang villa niya na kung saan siya naka stay in.
"Ano ba, let go of me!" pero para bang wala lang itong naririnig dahil patuloy lang ako nitong kinakaladkad.
Mabilis pa naman itong maglakad, kaya napapatakbo naman ako.
"Aba'y feeling close ka 'ata! Hindi mo pa nga alam pangalan ko, tapos kinakaladkad mo na ako. I-dedemanda kita for harassment!" Sigaw ko namang sabi sa kaniya.
Narinig ko naman itong tumawa at huma-hakbang na kami ngayon sa hagdanang bato, para makataas na sa villa nito.
Gusto ko mang alisin ang pagkakahawak nito sa akin ay hindi ko magawa, dahil sa lakas ba naman ito. Mabuti na lang hindi siya sobrang sakit kung humawak, kasi pag nagkataon, hahambalusin ko na ito.
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
General Fiction❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...