Courting
Pero kita ko pa rin naman sa mata ni Jaeros at JM, na hindi pa rin sila kumbensido sa sinasabi ko. Nang maka-alis na talaga sila ay kaagad akong pumasok sa unit ko at sinarado na ang pintuan. Dumiretso naman ako sa kichen at nakita ko naman doon si Javier na naghuhugas na nga ng mga pinagkainan naming apat.
Ako naman ay tahimik na inayos ang mga ulam na natira pa at inilagay sa mga tupperware para ilagay na sa ref, para kinabukasan ay ipapainit ko na lamang. Natapos naman ako at inilagay rin sa sink ang mga bowl para mahugasan na ni Javier.
Hindi na 'ko, umapela pa na ako na ang magpapatuloy na maghugas, dahil ang mokong ay sobrang seryoso sa ginagawa niya. Kaya naman ako na lang ang nagpunas ng mga pinggan at kubyertos, para matuyo na kaagad.
Tahimik lang kami, hanggang matapos na kami sa ginagawa namin.
"You can go home now. Thanks for washing the dishes," mahina ko namang pahayag sa kaniya, habang lumalabas na sa kitchen at siya naman ay nakasunod na sa akin.
"Ba't 'di ka man lang nag paalam sa akin kanina?" tanong niya sa akin at alam ko na kung ano 'yon.
"Masarap ang tulog mo. T'ska why do I need to say good bye to you? Nagluto na 'ko ng breakfast mo. At nilutuan 'din kita ng dinner mo, pero dito ka naman kumain,"
"You're ignoring me. Dahil ba 'to kahapon? I'm sorry hindi na mauulit 'yon," mahina niya rin namang sagot sa akin.
"No, it's not that!... Uhmm... By the way, 'wag mo na pala akong ihatid, sundo. Gano'n pa rin naman ang deal natin. At sa katunayan niyan ay ako lang naman ang may utang na consequence sa 'yo. Ilang araw na lang naman, matatapos na 'yon."
Magsasalita pa sana siya, kaya lang ay tumunog naman ang cellphone nito sa kaniyang bulsa. Kinuha niya naman iyon at nakita ko naman na nakarehistro na naman ang pangalan ng ex girlfriend niya.
"Answer the call. Lock mo na lang ang door pag naka-alis kana," lintaya ko naman sa kaniya at tinalukuran na siya para pumasok na sa kwarto ko.
Hindi naman siya, umapela pa at narinig ko na lang na sinagot niya ang tawag at lumabas 'din sa unit ko. Lumingon naman ako, at pinuntahan ang pintuan para i-check kung sarado na ba iyon talaga. Nang sarado naman ay pumanhik na ako sa kwarto ko, para maglinis ng katawan at matulog. Pero bago pa no'n ay may natanggap pa akong text sa pinsan ko at kay JM.
Jaeros: Paalisin mo na ang Gutierrez na 'yan sa unit mo. Pag may oras ako, mag-uusap tayo.
Me to Jaeros: Oo na po. Oo naka-alis na. Good night, pinsan kong pangit.🤪🙄
Habang senesend ang text ko sa kaniya ay hindi ko naman mapigilan na mapabuntong hininga. Kahit sa text ay alam na alam ko ang pagiging strikto ni Eros sa akin. Hayss, palagi na lang. Binuksan ko naman ang text message ni JM, para sa akin.
JM: What time, do you want me to fetch you? Naand'yan pa rin ba ang Gutierrez na 'yan?
Me: Wala na, umalis na. Hmm... Six thirty in the morning. Keep safe, JM. See you tomorrow. Good night!
Pinatay ko naman ang cellphone ko, para i-charge na muna. At inayos din ang alarm clock para magising ako ng maaga. Paglulutuan ko pa ang mokong na kulokoy na 'yon.
Nauna naman akong nagising sa alarm clock ko, dahil sa hindi ko maipaliwanag na panaginip. Pa iba-iba iyon, at ang tanging naalaala ko lamang ay aswang daw ang ex ni Javier at nilulunod ako nito sa tubig. Kaya naman hindi ko mapigilan na buksan lahat ng ilaw sa unit ko. Binabangungot pa yata ako. Kahit ba naman sa panaginip ko, kontrabida pa rin ang ex ni Javier.
![](https://img.wattpad.com/cover/239425887-288-k51295.jpg)
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
General Fiction❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...