Chapter 37

139 8 0
                                    

Worsened

Nagising naman ako ng unan na lang ang tanging yakap-yakap ko. At nakita ko rin sa labas ng bintana na parang masakit na sa balat ang araw. At siguro ay tanghaling tapat na. Nasarapan yata ako sa pagtulog at nakabawi rin sa wakas. T'ska wala na rin sa tabihan ko si Javier. Kaya naman tumayo na ako sa kinahihigaan ko para lumabas at pumunta sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili.

Nakita ko naman sa orasan na alas dos na nga ng hapon at ramdam ko na rin ang pagkalam ng tiyan ko. Pero hindi naman maalis-alis sa labi ko na masarap ang naging gising ko.

Hindi naman ako nagtagal sa pag-aayos ng sarili ko at kaagad na rin akong bumaba para makarating sa living room. Pero wala naman akong makitang tao roon, kahit si Mamang ay wala rin. Pati sa kusina o dining area ay wala ring tao. Kaya naman lumabas pa 'ko ng bahay at nakita ko naman silang lahat na nasa garden na ni Mamang. At naandoon na rin ang parents ko, habang kausap na ni Papa si Javier at kita ko naman si Mama na parang nakikisawsaw rin sa usapan, pero nasa kabilang garden table naman silang tatlo. Pati si Jaeros, Richard ay naandito rin.

Wala ba silang trabaho ngayon? At bakit naandito sila?

Wala namang may nakapansin sa akin, dahil busy nga ang parents kong makipag-usap kay Javier. Si Mamang naman ay busy rin sa pagbabasa ng bible na palagi niyang hawak-hawak. At ang mga pinsan ko naman ay may kaniya-kaniya ring ginagawa, gamit ang kanilang cellphone at laptop. At alam kong trabaho rin ang ina-atupag nila.

Nang makarating ako ay ang unang nakapansin sa akin ay si Mamang. Kaya naman napabaling din ang lahat sa akin. Pati na rin ang usapan nina Javier at ng parents ko ay naputol din.

Si Mama naman ay kaagad akong nilapitan at yinakap.

"How are you, Hija? Okay ka na ba?" tanong naman nito sa akin, bago siya humiwalay sa akin.

"Ma, I'm okay. 'Wag OA, please. Ba't 'di niyo 'ko ginising. What time kayo nakarating dito ni Papa?" tanong ko naman sa kaniya, habang lumalapit na kami kayna Papa at Javier. Pero bago pa no'n ay nag blessed na muna ako kay Mamang para magbigay galang.

"Kaninang mga nine ng umaga. At hindi ka na namin ginising, dahil masarap ang tulog mo," sagot naman nito sa tanong ko.

Napansin ko naman si Javier na nakatingin lang ito sa akin at nginitian ako. Anong oras kaya siya gumising kanina?

Yumakap naman ako kay Papa pagkalapit ko sa kaniya. "I missed you, Pa," wika ko naman at naramdaman ko naman na hinalikan ako nito sa ulo.

"I missed you too, Anak. Are you okay, wala bang masakit sa ulo mo o katawan?"  nag-aalala naman nitong tanong sa akin.

"I'm fine, Pa. Don't worry. Sabunot lang ang natanggap ko," panloloko ko naman sa kaniya. Pero hindi naman ito natuwa sa sinabi ko. Kaya naman itinikom ko na lang ang bibig ko at nag beautiful eyes na lang sa kaniya. At ginulo lang nito ang buhok ko.

Pang ilang 'how are you at are you okay' na kaya ang natanggap kong tanong sa kanila. Hindi ko naman sila pwedeng pilosopuhin, dahil alam kong nag-aalala lang sila sa akin. Lalo na ng mapanood nila ang eskandalong video na 'yon. Lagot talaga sa akin ang taong 'yon, kung sino man ang nag-upload ng video na 'yon. Kainis siya!

Umupo naman ako sa katabing upuan ni Javier at nginitian siya ng sobrang tamis, kahit nasa harapan lang namin ang magulang ko. Nakita ko naman sila Mama at Papa na napapangiti na lang at napapa-iling dahil sa pinapakita kong reaksiyon sa kanila.

"What did you talk about?" bulong ko naman kay Javier. Pero wala naman akong natanggap na sagot, dahil nagsalita na kaagad si Papa.

"As I said lately. I don't want my daughter to be hurt again. And tommorow Graze and I, we'll talk with Susie and Nichole, about what they did to Grazhaniel. And you isasama ka namin," ma awtoridad naman na lintaya ni Papa at tiningnan ako. Tumango naman ako sa kaniya.

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon