Boyfriend
Naalimpungatan naman ako ng huminto ang bus na sinasakyan namin ngayon ni Javier at may bumaba lang palang ibang pasahero at may sumasakay. Pero hindi naman ako ngayon makagalaw nang maayos dahil yakap-yakap 'din ako ngayon ni Javier. Tiningala ko naman siya at ang mokong ay nakatulog din pala.
Dahan-dahan ko namang inalis ang kaliwa kong kamay para makita ngayon kung anong oras na sa aking relo at alas dos palang naman, kaya may isang oras pa para makarating kami sa Bacolod. Nakita ko naman sa kabilang bintana ng bus na ito, na umuulan parin pero hindi na ito kagaya kanina na sobrang lakas.
Tiningala ko ulit si Javier at hindi ko mapigilan na kiligin dahil sa pwesto namin ngayon. Kahit tulog ito ay sobrang gwapo, para bang napaka inosente ng mukha nito ngayon. Kaya naman mas inayos ko ang pagkakayakap sa kaniya at isiniksik pa ang sarili kay Javier.
"Ang gwapo ng Mister ko," hindi ko mapigilan na sambitin at kiligin. "Tapos ang bango-bango pa...-" pero naputol naman iyon ng gumalaw si Javier at tumawa nang mahina.
"You don't have to say that, Misis. I know to myself that I'm so pogi!" He said and still laughing at me.
Kaya naman umalis na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at umayos na ng upo. Tiningnan ko naman siya nang masama, dahil panira talaga siya ng moment.
"Hambog!" iyon na lamang ang nasabi ko sa kaniya habang inaalis na ang earphone sa kaniya at sa akin. Nilagay ko naman ang cellphone at earphone ko sa bag at tumingin na sa labas ng bintana.
"You said recently that I'm gwapo, so I'm not a hambog." Panloloko na naman nitong sabi sa akin.
'Ayan tuloy, Angela narinig niya lang na gwapo siya naging hambog na naman ang kulokoy na mokong na ito.'
Naramdaman ko namang kumalam ang tiyan ko at narinig din iyon ni Javier, kaya lang loko ay tumawa na naman.
"Are you hungry now?" He asked me giggling.
Tumango na lamang ako sa kaniya, aba hindi pa kami nakakakain ngayon ng tanghalian at ngayon ay hapon na. Baka makarating kami sa Talisay ay alas kwatro na ng hapon. Siguro bibili na lang ako ng pagkain namin ni Javier at pasalubong sa pinaka cute ko na pinsan na lalaki.
Kinuha ko naman ang bag kong nasa gilid ko at binuksan iyon para kunin ang dala-dala kong sandwich at mineral water. Ibinigay ko naman kay Javier ang tubig at binuksan naman nito ng mokong. Mabuti na lang three layers ngayon ang sandwich na ginawa ko. Sympre loka ako, kaya isa lang ang ginawa ko. Gusto kong hati kami ngayon ni Javier, parang mag boyfriend at girlfriend lang gano'n.
"I have a one sandwich here, hati na lang tayo," sabi ko naman sa kaniya habang binubuksan na ang wrap nito at kumagat na rito.
Inilahad ko naman sa kaniya at mabuti na lamang ay hindi mapili si Javier. Hindi niya naman kinuha ang sandwich sa kamay ko, pero ang kamay ko namang may hawak sa tinapay ang hinawakan niya at doon kumagat.
"Tamad mo talagang kunin ano! Gusto mo ako pa ang mag feed sa iyo gano'n!" Lintaya ko na lamang sa kaniya.
Pero ang loko ay tumawa naman at uminom na sa mineral water na binuksan niya. Pagkatapos niya namang uminom ay kinuha ko rin iyon sa kaniya. Muntikan na kasi aking masamid dahil nakita ko na naman ang pagtaas baba ng adams apple nito, habang umiinom siya ng tubig.
Pagkatapos ko namang uminom ay nakahinga na ako nang maluwag. 'Gosh, Angela 'andiyan ka na naman sa pagnanasang iyan.'
"You made that sandwich? It's good, huh!" sabi nito habang tinuturo ang sandwich at tumatango-tango sa akin.
Sarap bigwasan 'tong loko na 'to! "Anong good dito? Cheezwhiz lang naman ang ginamit kong palaman sa bread. Why may unique ba rito?" Maldita ko namang tanong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
General Fiction❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...