Nurse
"Lagay mo na lang d'yan sa counter!" pag-uutos ko kay Javier. Mabuti na lang at sumunod ito sa akin at para bang ang sigla-sigla nito ngayon. Para siya kamong ewan. Ano 'yon gano'n-gano'n na lang. Para bang walang nangyari.
Okay kung nag move on na siya sa ginawang pang gagago niya sa akin. Puwes ako ay hindi pa. Feeling free na siya ngayon, ah!
Nang maipatong niya na nga ang mga pinamili ko lahat ay tumabi na ako sa kaniya para ayusin ang ilagagay sa refrigerator at ang mga pagkain na hindi ilalagay sa kabinet. Si Javier naman ay nakasandal lang sa counter at tinitingnan ang mga pinanggagagawa ko ngayon.
"So, why are you here, pa! You can leave now!" Mataray ko namang pahayag sa kaniya. Pero ang isang 'to ay para bang walang narinig na salita galing sa akin at ngayon ay kinukuha na ang dalawang spam para ilagay sa kabinet.
"I'm going to take care of you! My sister ordered me to do that. So, I'm helping you here," nakangisi na nitong pahayag sa akin at kumindat pa.
"Kung ihambalos ko sa 'yo 'tong talong na hawak ko!" Sigaw ko naman sa kaniya at ang loko ay tinakpan lang ang tenga nito na para bang nabibingi dahil sa lakas ng boses ko. "Huwag mo 'kong artihan, Mister. I said go out now!" Nagtitimpi ko nang pahayag sa kaniya at sisipain na naman sana sa kina-iingatan nitong parte ng buhay niya, kaya lang ay umatras ito at nahawakan na ang kaliwang paa ko at dahan-dahang ibinaba iyon.
"Huwag 'yong talong ko. Iyang talong na lang na hawak mo ang pag diskitahan mo!" sabi naman nito sa akin na may nakakalokong ngiti na ngayon. At pumantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Gosh talong niya? Gago ba siya ang bastos niya talaga!
"Gosh, Javier. Ang bastos mo, please go out now!" mala kamatis ko nang pahayag sa kaniya. "At anong talong ka r'yan? So eww talaga!" I said dramatically like I'm puking now because of what he said recently.
"I'm just keeping myself safe. T'ska kung hindi ako umatras pangalawang pagkakataon na naman sa iyon. Baka maging baog ako nito at hindi na magkaanak!"
"Gosh, nakakairita ka! Paki ko kung maging baog ka! At wala rin naman akong paki, kung hindi ka magkakaanak! 'Yan ang bagay sa 'yo kasi, user ka!" Palahaw na sigaw ko naman sa kaniya at padarag nang binuksan ang refrigerator at inilagay roon ang hawak kong talong. Gosh ayoko na tuloy kumain nito!
"You'll regret soon, pag ginanito mo ulit ako. Hindi tayo mag kakaanak sa pinang gagagawa mo sa akin."
Namilog naman ang mga mata ko at dahan-dahan na siyang binalingan, dahil sa sinabi nito sa akin. Lumalaki ngayon ang tenga ko dahil sa narinig kong sinabi niya sa akin. Anak namin, anong pinapahiwatig nito ako ang gusto niyang maging asawa?
"Hindi kana nakakatuwa! I told you, that you can leave now. I don't have a time to entertain you here. I'm busy at puwede bang isipin mo muna ang sinasabi mo, before you spill it," seryoso ko namang pahayag sa kaniya. Pero ang loko ay nginusuan lang ako na para bang bata sa kalye. "Javier, naiinis na 'ko sa 'yo! Isa, dalawa!" pagbibilang ko naman dito at nagpipigil na na hambalusin na talaga siya.
Itinaas naman nito ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko na sa ginawa nitong kasalanan sa akin. "Okay, I'll leave later, but can I have a dinner here? Alam mo na nakakatamad kumain pag mag-isa!" pang gagayang boses nito sa akin.
'Gosh, Javier isa na lang talaga, pepektusan na kita!'
Kaysa na magsalita pa 'ko ay hindi ko na lang siya pinansin at inayos na ang gusto ko sanang kainin ngayon. Dinner ba kamo? Bahala siya hindi ako gagawa ng dinner dahil mas gusto kung kumain ng pasta ngayon. My favorite fettuccine with mushroom spinach pesto cream, specialty ko yata iyon.
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
Fiction générale❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...