Chapter 23

152 9 0
                                    

Consequence

Gaya nga ng sinabi niya ay inihatid niya nga ako sa restaurant ng mga alas syete na ng umaga, dahil narin sa late na akong nakatulog at madaling araw na rin kaya na late rin ako ng gising. Mabuti na lang talaga at na riyan si Javier, para ihatid ako sa trabaho ko.

Naging mas maayos ngayon ang trabaho ko sa restaurant, dahil kakaunti lang ang mga nakatambakna gawain, na ginawa ko sa office at lumabas 'din para matulungan ang mga empleyado ko. At nang mag alas sais trenta ay sinundo naman ulit ako ni Javier para pumunta sa penthouse ni Rafael, dahil may sasabihin daw sila sa aming dalawa na importante. Gusto ko man sanang umuwi na, dahil ramdam ko ang pagbigat ng mga mata ko at sumasakit din ang ulo dahil, kinulang ako sa tulog. Kasalanan kasi 'to ni Javier, e!

Pero ang loko ay may nakain 'ata ngayon dahil ang galing nitong mang-asar sa akin habang byumabyahe kaming dalawa.

"Isa, Javier. I'm too tired don't make me mad at you. Masakit ang ulo ko! Wala akong oras na makisakay sa hilaw mong mga jokes. Hanap ka kausap mo!" pagtataray ko na sa kaniya. May nahithit yata ang loko ang lakas ng sapak sa ulo ngayon, e!

Pero ang loko ay pinagtawanan lang ako, kaya naman umamba akong sasapakin ulit siya, pero umiwas din naman kaagad ito habang ang kanang kamay ay sumusuko na.

"Easy, don't hit me or punch me. The little trace at my face is not healing yet, mabuti na lang talaga at maliit lang. My handsome face will be in critical...-"

Hindi ko na siya pinatapos dahil tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Daming sinasabi, mag drive na lang siya kamo para makarating na kami kaagad sa penthouse ni Rafael.

Pasado alas syete na kami nakarating sa penthouse ni Rafael at nakita ko naman na maayos na ang lagay ni Isabelle. Pero mas nagulat ako sa sinabi nilang dalawa. As in magpapakasal wala pa ngang dalawang araw na naging sila. But I can't say naman na hindi sila pwedeng mag pakasal. Buhay nila 'yan. And I'm just here beside at my best friend and support her no matter what happen. What's the purpose of being a best friend and sister to her, if I'm not going to approve of what my best friend want. Kung saan sasaya si Isabelle ay doon din ako.

I'm so happy for her. Since she was alone again, I'd always pray sana ay magkaroon ng kompletong pamilya si Isabelle and now this is coming in her life. Ang kaya ko lang maibigay sa kaniya ay ang suportahan siya sa lahat ng bagay, because she's the only person that's look like my sister. Hindi man kami related sa isa't isa, pero I'm so blessed to have her.

"I need to go. I have something important to do pa, e! Congrats my lovely Isabelle," pagdadahilan ko lamang sa kanila. Dahil sa totoo niyan ay gusto kong magpahinga muna at hindi kaya ng katawan ko na mapuyat.

Sabay rin kaming umalis ni Javier sa building na iyon at byumahe para makarating na sa building kung saan kami tumutuloy.

"I'll fetch you to your condo at 2 am in the morning." He said while driving.

"2 am? Ba't ang aga! Anong mayro'n?"

"We're going to an Island. Doon ihe-held ang kasal ng kapatid ko at si Rafael," nakangiti naman nitong lintaya sa akin.

Sumiklab naman ang saya sa puso ko dahil sa isla magaganap ang kasal nila Isabelle. Pangarap ko dati pa lang ay magkaroon ng sariling rest house malapit sa dagat. Kaya ang saya ko ngayon, dahil makakalanghap na ulit ako ng amoy ng dagat. Nawala na yata ang pagka-antok ko, ah!

"So, you can pack your things for three days. We can't extend our vacation there, 'cause I knew that we have our works and responsibilities...-"

Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon