Prince Charming
"Give me your phone number, I'll call you tommorow, kung saan ko gustong pumunta. And I'll fetch you here."
Wala naman akong nagawa kung hindi ibigay sa kaniya ang cellphone number ko. Pero masama parin naman ang tingin ko sa kaniya.Papauwi na kasi ito sa tinutuluyan niyang villa at alas dies 'din kasi ng gabi. Nasarapan sila sa kwentuhan at ang apat ko namang mga pinsan ay nauna naring umuwi kay Javier.
"Okay! Bye, Grazhaniel Angela!" paalam nito sa akin at sumakay na sa nerentahan nitong sasakyan.
"Bye! Mo mukha mo!" hindi ko naman mapigilang sigawan ito kahit na kakaalis lang ng sasakyang nerentahan nito.
Hindi ko alam kung bakit, kumukulo na ang dugo ko sa mokong na 'yon. Wala naman itong ginawa sa akin. May part naman sa akin na kinikilig, pero mas umusbong naman ang altapresyon ko sa kaniya.
Aba naman, feeling close na ito sa magulang ko at sa mga pinsan kong lalaki. Wala pa ngang ilang oras na nagkakilala kami, e!
Pumasok na nga ako sa loob at nakita ko naman ang Mama at Papa, kong naglalambingan, dinaig pa teenagers sa kanto ng village na ito.
Gumawa naman ako ng paraan, para makapaghiwalay silang dalawa. Loko itong anak niyo, e! Kaya naman umupo ako sa gitna nilang dalawa at inakbayan silang pareho.
"Kumusta naman ang pag-alis mo, hija? Hindi ka man lang tumawag sa amin ng Papa mo na lalabas ka pala," sabi naman nito habang nakatingin na ngayon sa tv. Nanonood kasi sila ng love story nina John Loyd Cruz at Sarah Geronimo, na ang pamagat ay Finally Found Someone.
Dinaig pa ako, mabuti na lang hindi ako nagmana sa kabaduyan ng mga magulang ko.
"Ayon, okay lang, Ma! Nakaka relax pag nasa tabing dagat. Pag nagkapera ako bibili ako ng resthouse malapit sa dagat."
Napatawa naman ang papa ko sa akin. Si mama naman ay ngumingiti na lamang.
"Paano naman kayo nagkakilala ng anak nina Theodore at Teresita?" tanong ulit ng mama ko.
Inalis ko naman ang pagkaka-akbay ko sa kanilang dalawa at umayos na ng upo.
"Ganto kasi 'yan, Ma! Hindi ko alam na may nakikinig na pala habang kumakanta ako. Kaya lang ang maganda mong anak, napiyok at narinig ko na lang ang tawa nito at palakpak," nakanguso ko na ngayon paliwanag sa kanilang dalawa.
Narinig ko naman ang halakhak na ng gagaling sa bibig ng ama ko. Ang ina ko naman ay ganoon din ang naging reaksiyon.
'Ano ba ang nakakatawa roon?' kaya naman mas napanguso na lamang ako.
"Teka nga lang! Hindi pa po ba, nasabi no'ng Javier na 'yon, kung paano po kami nagkakilala. Tapos si Ate Josie, mego ko raw, iyon! Duh! A freaking no way, over my dead body!" Maarte ko namang pahayag sa kanila.
Kaya mas lalo naman silang natawa sa sinabi ko. Nako kung hindi ko lang ito mga magulang, e!
"Ayaw mo no'n anak! Magkaka boyfriend ka ng isang Gutierrez. Tapos magiging son in law ko...-"
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
Ficción General❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...