Out of Place
Kagabi nang makarating ako sa unit ko'y hindi na 'ko pumunta pa sa unit ni Javier para paglutuan siya ng dinner niya. Naiinis pa rin kasi ako dahil sa padalos-dalos niyang panununtok kay JM, na wala namang ginawang masama sa kaniya. At dahil may konsensya naman ako, kaya pumunta ako kaninang umaga sa unit niya para paglutuan siya ng breakfast niya. Tumutupad naman ako sa naging deal namin, kaya 'wag siyang mag reklamo. Gusto ko na ngang mag quit kaya lang ay malapit na namang matapos 'tong deal na 'to, kaya gawin ko na lang at pagbutihan. T'ska ako ang naka-isip ng lintek na larong 'yon.
Umalis din naman kaagad ako, para hindi niya na ako maabutan pa. Para walang nang mangyaring bangayan sa pagitan naming dalawa. Nakaka stress din kaya na ganoon kami parati ni Javier, gusto ko namang maging chill ulit.
Ako naman ang drive para sa sarili ko para makarating na kaagad sa restaurant, dahil alam kong marami na naman ulit akong kailangang gawin, Pero laking gulat ko naman nang makarating ako sa restaurant ko ay nasa labas si JM at hinihintay ako.
"JM, what are you doing here. It's too early. Na pa daan ka rito?" I asked him confusedly. "Okay lang ba 'yang pasa mo? Nagamot mo na ba 'yan. I'm sorry!" pag-uumanhim ko naman dahil sa ginawang pagsuntok sa kaniya ni Javier.
"No, you don't have to say sorry, it's not your fault. At oo nagamot ko na 'to, kagabi." Tumawa naman ito sa akin at nginitian ako. "And no, I'm not just passing by here. I don't know where's the building of your condo, so I'm here to see you. Good morning, Angela," kamot pa nitong pahayag sa akin at tinalikuran ako.
Hindi ko naman alam kung ano ang kinukuha nito sa shot gun seat niya at nagulat na lamang ako nang makita ko siyang may hawak-hawak ng bulaklak.
"Here...!" para bang nahihiya pa nitong lintaya sa akin, habang inilalahad nito sa akin ang isang bugkos ng bulaklak na tulips sa akin.
"Wow, it this for me! As in for real?" gulat kong tanong sa kaniya na namamangha. Ngayon lang kasi ako nakatanggap ng bulaklak na sobrang aga pa at ang paborito ko pang bulaklak ang ibinigay sa akin.
"Yes... Hmmm... Did you like it?" nahihimigan naman nitong tanong sa akin at ako naman ay mabilisang tumango sa kaniya.
"Tara pasok na tayo sa loob," sabi ko naman sa kaniya at maglalakad na sana. "Ayaw mo? Do you have work pa ba?" dagdag ko namang tanong sa kaniya at siya naman ay tumango sa akin at tiningnan ang relo niya.
"It's still seven, so I have one hour to go, to meet my client, near at this restaurant. So let's go!" wika niya naman at nauna pang pumasok sa restaurant ko. Mabuti na lang at bukas na dahil naandoon na ang iba kong mga empleyado.
Umupo naman si JM sa left corner ng restaurant ko at ako naman ay sumunod sa kaniya, habang hawak-hawak pa rin ang bulaklak na bigay niya sa akin.
"Have you eaten your breakfast?" tanong ko naman sa kaniya habang nakatayo na sa harapan niya. Nakita ko naman siya umiling, na nagpakunot ng noo ko. "Gosh, you need to eat breakfast, para mag ka energy ka, while meeting with your clients. Wait ka lang d'yan, I will make you a breakfast...!" lintaya ko naman sa kaniya at nakita ko pa sana siyang mag-aapila, kaya lang ay nakatikod na ako sa kaniya at pumasok na sa loob ng kitchen, kung nasaan, naroon na ang head chef na si Kuya Freddy and his wife Ate Lena, at wala pa naman roon ang tatlong assistant chef.
"Good morning, Ms. Angela," bati nila sa akin, habang nag-aayos na ng mga rekados.
"Wow, ang aga namang may nagbigay ng bulaklak sa inyo!" kinikilig nang lintaya ni Ate Lena. Hindi ko naman napansin, na bitbit-bitbit ko pa pala ang bigay na bulaklak sa akin ni JM "Ako kaya, kailan ulit ako bibigyan ni Fred ng bulaklak?" nakasimangot na nitong pahayag sa akin at para bang nagpaparinig pa ito kay Kuya Freddy, na ngayon ay busy na sa paghihiwa ng mga lulutuin mamaya, para sa magiging order ng mga customers.
BINABASA MO ANG
Until I Find Someone Better (GSS #2 COMPLETED)
General Fiction❤️COMPLETED❤️ Gutierrez Siblings Series #2 Finding someone, who is better than others is so hard to find. Pag ba nag search ka sa google makikita mo na ba ang taong iyon? Of course not! Kasi nga hindi pa talaga ito ang oras para makita mo ang totoo...