Chapter 01

99.2K 1.6K 618
                                    

Chapter 01

"Are you sure you want to try there, Thalia? We can actually send you to the U.S. Ayaw mo bang mag-aral doon? Gusto ka ring makita ng tita mo."

Nagpatuloy ako sa pagpasok ng mga gamit ko sa pink kong backpack at hindi nilingon si mommy.

"Nandito po 'yong mga kaibigan ko, mommy." Ani ko at saglit na sinulyapan siya at ngumiti ng matamis sa kaniya.

"Edi pag-aaralin rin namin sila sa U.S. para sama-sama pa rin kayo."

"Daddy!" Sigaw ko at sinamaan siya ng tingin. It's his joke. Studying abroad is so expensive.

He laughed heartily.

"You're already a college student, Sweetheart. Hindi na sa lahat ng oras, kasama mo ang mga kaibigan mo." sambit niya.

"Alam ko naman po 'yon, dad." Ngumuso ako at sinaklay ang backpack ko.

I stood in front of the mirror and stared at my reflection. I'm currently wearing a simple light pink shirt tucked in to my sky blue pants, with a white belt on my waist, fixing the Rolex on my wrist.

"Should I send you to the university?" Daddy asked me.

"Please, dad?"

"Of course, darling."

"Tara na po."

"Sure." sagot sa akin ni daddy. Pero bago kami maglakad palabas ay may pahabol pa si mommy.

"Ihatid mo lang si Thalia sa school then go home again, ha?! You had promised me something!" Sigaw niya.

Pakinig ko ang pagtawa ni daddy.

"Oh sure, honey. Kahit magsayaw pa tayo araw-araw."

With those words, I know exactly what my mom wants.

Today is their monthsary. Another monthsary.

Whenever the 12th day of the Month comes, their monthsary, they dance in the living room, imagining they are both still eighteen, having a sweet night at a prom.

Despite the cheating, annulments, and divorce that spread all throughout the world ... I still believe in the power of marriage. Because here my parents are. They're the proof of forever.

My mom is kind. Dad is loving. And I wished someday I'd find someone like him too.

The one who can take care of marriage.

"Bye, dad!" sabi ko at kumaway kay daddy matapos siyang halikan sa pisngi at bumaba na sa sasakyan.

Tumayo ako sa gilid habang nakatakip ng bahagya sa aking mga mata dahil sa sikat ng araw.

As soon as he finally drove away from the university, napangiti ako. Lumiko ako at hindi muna pumasok sa East Edison. Nilakad ko ang mainit na kalsada patungo sa subdivision kung saan nakatira ang best friend ko, si Zy.

It really wasn't very far kaya agad rin akong nakarating. Direkta akong oumasoks a bahay nila upang hintayin siya sa sala. She's dressing herself up in her room.

"Ang tagal naman!" Reklamo ko nang makita siyang pababa na sa hagdan.

"Ay wow! Sino ba kasing nagsabi sa'yong hintayin mo 'ko?" Nakataas pa talaga ang mga kilay nya! Parang gusto ko syang isubsob sa message niya sa akin kanina at ipamukha sa kanyang inabala niya talaga ako!

Sinarado niya ang gate sa oras na makalabas kami.

"Kung maaga kang natapos edi sana kanina pa tayo nakahanap ng pogi." Pinakita ko sa kanya ang oras sa relo ko. "Ilang minuto na lang, oh!"

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon