Chapter 05

41.2K 940 74
                                    

Chapter 05

"Yes, yes, later. Gagawin ko. Kakain lang muna ako."

Sabi ko sa blockmate ko sa telepono at binaba na ang tawag. Mag-isa akong naglalakad-lakad sa loob ng East Edison habang kumakain ng siomai.

Nag-scroll lang ako nang nag-scroll hanggang sa ilang sandali lang, nangunot ang noo ko nang may isang lalaking tumabi sakin. Inangat ko ang ulo para malaman kung sino iyon at nakita si Lure na diretsong nakaupo sa harapan.

"Are you afraid of me?" He asked while his eyes fixed above the blue sky.

"Bakit naman?"

"Because of what I did," sagot nya.

Iyon ba 'yung isinubo niya iyong kutsara na ginagamit ko?

Binalik ko sa unahan ang tingin habang ngumunguya. I slowly shook my head. "Hindi naman."

"Really?" He replied, chill.

"Medyo lang."

Tumango-tango siya. "Yeah, I understand."

Hindi naman ako natatakot sa kanya. Bakit ako matatakot? Kung tutuusin, nakakaawa ang mga taong ganito.

Pogi sana kaso walang manners. Ekis.

"Bakit mo pala ginawa 'yon?" tanong ko.

"I think I like you, and Velasquez is smart," sagot niya. He likes me, and Velasquez is smart? I don't actually believe the first confession, but the second one. He's right; I know Dion is enormously smart. He's probably jealous because of that.

Balita ko rin ay muntik nang mapunta kay Andrei ang posisyon na para sa kaniya sa org. nila. A third-year student over a freshman? It's a great insult to him if that happens.

Tumayo ako para makaiwas na ang Lure. I'm planning to go back to my room na.

"Hey ... I'm still talking to you." Ani Lure.

Pabagsak akong bumalik sa pagkakaupo. "Oh? Tapos?"

"Why do you like him?"

"Whom?"

"Dion Andrius of course," tamad na sabi niya.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"You know that I like Andrius?" My eyes were blinking. Napatakip ako sa aking bibig nang ma-realized ang sinabi. Damn. Did I really say it out loud?

Maliban sa mga kaibigan ko, h indi ko pa naman inaamin sa lahat na gusto ko si Dion. Oo, palagi kaming magkasama, pero, seryoso? Mukha ba talagang ako lang ang may gusto sa lalaking iyon?

Umayos ng upo si Lure at tamad na humarap sa'kin.

"You're too showy. Paanong hindi?" He raised a brow. "Everybody knows it."

"That's too personal."

"Hmm, yup. Kaya kapag sawa ka na sa kaniya. Nandito lang ako."

"Sorry, pero hindi ako magsasawa."

Tamad siyang tumango, na pawang hindi pinaniniwalaan ang sinasabi ko.

"Familiar with those words. Pero sa bandang huli, alam kong magsasawa ka rin sa kanya." he looked at me and then flashed a smile. "Just tell me if you have already fallen out of love with Dion Andrius ... I'm here."

My lips slightly parted in disbelief. "Gago ka talaga, ano?"

Hindi niya ako pinansin at nauna pang umalis sa akin! Ang attitude!

Gabi na kaya kaharap ko na naman ang laptop ko para makipag-chikahan. Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong ni Zy.

"Ano?! Ulitin mo nga!"

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon