Chapter 26

30.1K 647 117
                                    

Chapter 26

"Get inside, couz, Andrius. I'll just answer this call."

Sabi ni Denisse at nagpaiwan na sa tapat ng gate nang may tumawag sa cellphone niya. Tumango lang ako at nginitian siya. Binaling ko na ang tingin kay Dion. Nahuli ko pa ang bigla niyang pag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

"Tara sa loob." I invited him and proceeded to the living room.

Tumuloy ako at na-upo sa couch habang hinihintay na bumalik si Denisse. Nilingon ko si Dion at nakita siyang nakatayo sa main door. Inikot niya ang kaniyang paningin sa buong bahay at napansin niya yata na nakatitig ako sa kaniya kaya diretso siyang naglakad palapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"They have a beautiful home. I love the decor." Dion complimented, still admiring the interior design.

"Yeah, hindi rin siya ganoon kalaki, hindi rin naman maliit. Sakto lang." sabi ko habang iniikot ang paningin.

"Right. Ganito rin ang gusto ko kapag magpapatayo na ako ng sarili kong bahay."

Hindi ko alam kung bakit ako natawa sa sinabi niya. "How come the CEO of a big company doesn't have his own house?!" I said with sarcasm.

"I don't have plans yet. I guess if I have my wife and my children with me already. How about you?" He asked.

Ah. Hinihintay niya pa yata si Beatriz. Bakit? Hindi pa ba ready 'yon? E, mukha ngang baliw na iyon sa kaniya. Napalunok ako ng laway nang manuyo ang lalamunan ko.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Hindi ko pa alam. Siguro kung magpapatayo ako ng bahay ganito lang rin kalaki para laging magtatagpo 'yong landas namin sa loob. Kapag masyadong malaki kasi magmumukhang malungkot lalo na kung lima o anim lang 'yong miyembro ng pamilya ko." saad ko.

Tumango-tango siya. "And the combinations of the paint are white, gray, brown, and black." He then glanced at me.

Bahagyang kumunot ang noo ko pero sinagot ko pa rin siya. "Yes, maganda rin kung glass wall sa harap. Dito sa living room."

"Don't you think it's too risky?" kunot-noong tanong niya.

"We can install CCTVs naman. At isa pa, kahit saan ka naman ilagay, hindi ligtas sa oras na nabubuhay ka pa sa mundong ito. Kung oras mo na talaga, oras mo na. At walang sino man ang makakapigil doon." sabi ko at tinapik ang balikat niya.

He shrugged. "Well, how many floors do you want?"

"Three are enough. Maganda rin kapag may rooftop para pwedeng mag-family bonding lalo na sa hapon." sagot ko at tumingin sa kisame, nag-i-imagine.

"Saan ka um ... magpapatayo?" tanong niya ulit. Kumunot na ang noo ko dahil parang interviewer itong kausap ko.

"Depende. Kung tatagal ako sa company mo siguro maghahanap ako ng lugar na malapit lang rin doon para—"

"So nagbabalak na kayong magpatayo ng bahay?"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil may biglang sumingit sa usapan namin. Kapwa namin nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita si Denisse na nakatayo sa tapat ng pinto, nakapamewang at may mapang-asar na ngiti na nakaukit sa kaniyang labi.

Kaagad na nagsalubong ang dalawang kilay ko at inirapan siya. "No. We're just talking about a good house."

"I heard your whole conversation, Couz." umirap siya at naglakad papunta sa direksyon namin. "You guys no need to worry. Kung naghahanap kayo ng lupa o bahay, don't hesitate to ask me! Remember, I'm working in a real estate company. I can also give you discount!" napa-irap ako sa pinagsasabi niya. Hanggang ngayon ba naman ay isisingit niya 'yang trabaho niya? Hindi na maganda 'yong pagiging workaholic niya, ha!

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon