Chapter 17

28.9K 618 97
                                    

Chapter 17

"Bitiwan mo nga ako!" Inis na utos ko kay Dion matapos niya akong hilahin paalis sa lugar kung saan sila nagkasagutan ni Lure. Hawak niya ako sa palapulsuhan, naglalakad ng napakabilis.

"Ikaw naman ang galit sa atin ngayon?"

"Sinong hindi magagalit sayo? Ang taas ng pride mo! Ang hirap akyatin! Ang hirap abutin! Ang hirap lagpasan. Kung hindi pa ako nilapitan ni Lure hindi mo pa maiisipang lapitan ako." Napailing-iling ako.

"Okay. I’m sorry. Okay?" He let go of me and raised his hands up, declaring surrender. Hinarap niya ako ng maayos at tumingin ng masinsinan sa aking mga mata.

"So ... I just wanna make things clear, to us, I'm not mad at you. Kagabi pa. Sinusubukan ko lang kung anong gagawin mo para suyuin ako. Ang sarap dito kapag pinipigilan kong ilabas 'yong pinaparamdam mo sa akin." He pointed his chest. "Pudpod na 'yong ngipin ko kakapigil ng ngiti last night, Thalia. Hanggang ngayon. Kaso um-epal agad si Lure. Sinira niya 'yong mga plano ko, baby." He rubbed our noses together.

"Sinasabi mo 'yan kasi natakot kang baka nga piliin ko si Lure."

He smirked.

"Matatakot talaga ako kasi mahal kita. But. I'm sure of something. You'll never choose him. And just in case you did, I'll not let you do it. I will not let you date another man except for me." Hinalikan niya ako ulit. "Sa akin ka lang, Thalia. Akin lang."

Inirapan ko siya.

"And..." He cupped my chin and stared at my eyes. "About our conversation last night. You typed in any format. I know that."

He pulled me closer to him.

"I'm obsessed. Fuck, baby! You're a drug." He said breathlessly then kissed me.

Lumabas kaming dalawa sa campus. Naka-upo kami sa isang bench na bahagyang natatago dahil sa mga punong nakapalibot.

"Saglit lang kitang hindi pinapansin, may umaagaw na agad sa'yo sa akin." sabi niya.

"Saglit 'yon? Halos 24 hours!" Inirapan ko sya.

"Yeah?" Tipid na sagot niya. Hindi pa sigurado ang gago!

Pinagsingkitan ko siya ng mata. "Yeah?" I mocked him. "Kayang-kaya mo akong tiisin ng ganoon katagal? Ang unfair mo." Umiwas ako ng tingin.

"Nah. I've become impatient to answer your call lately. I was about to talk with you when I left the room so that we could have privacy since my blockmates were inside but Lure ... Lure came and held your wrist." Kinuha niya ang braso ko. "He's not allowed to touch you." Aniya.

Napasigaw ako nang bigla niyang hawakan ang baywang ko para buhatin sa ibabaw ng hita niya na parang bata. "Dion Andrius! Oh my gosh!"

"Dito ka. Nabitin ako sa halik mo sa'kin kagabi." Aniya.

Ngumuso ako nang maramdamang nangingiti. Yumakap ako sa kaniyang leeg at ibinaon ang mukha roon.

"Alam mo ba, gusto kitang ipahuli sa tito kong pulis kagabi kasi ... pinaiyak mo ako." sabi ko sa kaniya.

"Policeman?" Natawa sya sa sinabi ko kaya hinampas ko ang braso niya.

"Huwag kang tatawa-tawa hindi ako nagbibiro. Pulis 'yong daddy ni Denisse, huwag mo akong susubukan."

Napakatagal naming nabalot ng katahimikan, nanatili kaming nasa ganitong ayos sa mga oras na nagdaan. Para akong batang nakaupo sa hitang ini-uugoy niya habang hinahaplos niya ang likod ko.

"I think I have a trauma." sabi ni Dion at yumakap ng mahigpit sa akin, binabasag ang katahimikang bumabalot sa amin. "I have disease, baby." dagdag nya.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon