Chapter 14

28.1K 574 20
                                    

Chapter 14

"Sa friday na 'yung birthday mo. Today is December eight na, ten na sa Friday. What's your plan?" Nakangiti kong tanong kay Andrius. Umayos siya ng upo at masinsinan akong tiningnan, nakangiti na rin sa akin.

"A simple celebration with you, together with my family." sagot niya. Hinawakan niya ang aking mga kamay ng mahigpit, na para bang ayaw niya na iyong pakawalan. "Gonna...formally introduce you to my parents this time, baby."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Dion. Hirap akong napalunok. Nanlamig ang lalamunan ko.

I smiled at him hesitantly. "Sure ka? Sa magulang mo talaga?"

Tumawa siya sa naging reaksyon ko. "Yeah. Why?" He asked softly as he caressed my hand.

"Kinakabahan ako! Wala pa akong idea about sa parents mo! Gosh! What if they don't like me?" nanlalaking matang usal ko. Iniisip ko palang na ipagtatabuyan ako ng mommy ni Dion, nanginginig na 'yong kalamnan ko!

"Of course they like you." He replied.

"Paano mo nasabi? Pakalmahin mo 'ko, Andrius! Kinakabahan na agad ako!" sambit ko. Mahina ko siyang pinaulanan ng kamao at idiniin ko ang mukha ko sa balikat niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Trust me. They like you." masuyong sagot niya.

I rolled my eyes. "'Yan naman lagi 'yong sinasabi ng mga lalaki kapag ipapakilala na nila 'yong girlfriend nila sa parents nila, e! Tapos pagdating sa mismong bahay niyo, hindi naman pala gusto ng nanay! Andrius, huwag mo 'kong lolokohin!" tumatawang saad ko.

Kumunot ang kaniyang noo at hinawi ang takas na buhok sa aking mukha. "I'm not lying."

"Give me assurance."

"Gustong-gusto ka na nilang makita. Lagi raw kasi kitang bukambibig. You don't have to worry ... My mom is kind."

"Tell me about them, please. Para naman may isasagot ako kung sakaling may Q and A." I requested. Tumawa na naman siya.

"Ask me anything. I'll answer."

Tumango ako. Dahan-dahang nagsalubong ang dalawang kilay ko, nag-iisip kung ano ba ang mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa mga magulang niya.

"Um ... Anong trabaho nila? Are they both doctors?" tanong ko. Mag-do-doktor si Dion, kaya posibleng sa magulang niya nakuha ang passion niya na iyon.

"No, they're both into business." He answered.

"Huh? Both into business? Paano nangyaring nag-Med ka? Hindi ba sila nagalit? Or humadlang ganoon?" sunod-sunod na tanong ko.

He chuckled. "Masyado ka ng naaapektuhan ng mga napapanood at nababasa mo," saad niya at ginulo ang buhok ko. "Of course they don't. They're the kind of supportive parents, and I'm happy because they didn't deprive me of choosing the path I'd like to take." dagdag niya.

Tumango-tango ako.

He covered my hands with both of his. "Kaya hindi rin nila ako hahadlangan na piliin ang babaeng nais ko..."

It flatter me.

"They once asked me to do business instead of Med, but when I refused, they no longer forced me." pagkuwento niya. "Hindi ako nagmana sa kanila. Wala talaga akong interes sa profession na meron ang mga magulang ko."

"So pinilit ka pala nila noon?" tanong ko, hindi pinapansin ang huling sinabi niya.

His lips parted. He even bit his lower lip, I know to restrain himself from laughing. "I just said ... they once forced me, so it means, pinilit nila ako noon." tumawa siya ng tipid habang nakatitig sa mukha ko.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon