Chapter 27

29K 620 26
                                    

Chapter 27

"Thalia! Nasaan na pala si Mr. Velasquez? Tutuloy ba siya dito?"

Pasigaw na tanong sa akin ni Sophia dahil malayo sya sa kinaroroonan ko. Pansamantala kong binitawan ang mga gamit na ibinababa ko galing sa trunk ng company car at nilingon siya.

Nasa Quezon Province kami ngayon kung saan makukuha ang mga natural dye fabric na gagamitin namin para sa layout ng venue.

Sinabi rin na rito raw sa lugar na 'to namin mahahanap si Mr. Orcin.

Ang isa sa tatlong magagaling na natural dyeing vendor sa Pilipinas.

I'm pretty sure that we could get all the fabrics we're about to use for the event. Hindi naman kasi masyado marami iyon kaya sigurado akong makukuha namin.

At isa pa na-contact na namin ang dalawa sa tatlong dyeing vendors at nasabi na rin nila na handa nilang ibigay sa amin ang mga nagawa nila.

Ang hindi lang namin sigurado ay kung mahahanap ba namin dito si Mr. Orcin. Hindi pa kasi nalo-locate ng IT Team ang exact location niya. Kaya sa palagay ko, doon kami mahihirapan.

Sa tatlong Dyeing Vendors, siya ang pinaka-importante. Siya kasi ang naitalang pinakamahusay pagdating sa larangang ito. Nais ng kompanya na siya ang magiging maestro para sa Dyeing Workshop na magiging parte ng 31st Anniversary Celebration.

Nilagay ko ang kamay ko sa gilid ng aking bibig at sumigaw pabalik.

"Yeah! Tutuloy 'yon! Siya lang ang sa palagay kong may kakayahang ma-kombinsi si Mr. Orcin!"

Sophia nodded then raised her hand to give me a thumbs up.

"Thalia! Tulungan na kita diyan," tumatakbong lumapit sakin si Dave habang nakangiti.

Tumango ako. "Sige. Paki-dala na lang rin nito doon sa loob." turo ko sa ibang gamit na bubuhatin niya papasok at ngumiti pabalik.

Binuhat ko na rin ang natitira. Nakita kong inangat na niya ang kahon at napakunot na lang ang noo ko nang mapagtantong hindi pa siya umaalis.

"Hindi mo pa 'yan ipapasok?" Kunot ang noo ko.

"Mauna ka na, sabay tayong pumasok." ngumiti siya ng alanganin sa akin.

"Ikaw na 'yong mauna, mabagal ako maglakad."

Napanguso siya sa sinabi ko. "Sabay na tayo, please!"

"Ikaw na! Walang multo sa loob ng cottage huwag kang mag-alala." pang-aasar ko. Lumapit siya sa akin ng kaunti at tumapat sa tainga ko.

"Meron si Sophia." He whispered.

"You and Sophia really have something, huh?" Binigyan ko siya ng makahulugang tingin habang tinataas-baba ang kilay.

"Ano?!" Gulat na sagot niya, napaatras pa ng bahagya. "Kami ni Sophia may something?"

He wagged his head like a dog.

"Kinikilabutan ako sa sinasabi mo Thalia."

Napailing na lang ako at tinawanan siya. Nauna na akong naglakad papasok ng cottage at sumunod naman din siya sa akin.

"Miss Martinez!" Nilingon ko ang babaeng tumawag sakin pagpasok ko. "Sabay na kayo sa amin mag-lunch," Nakangiting alok ni Patricia habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa na nasa dining area.

"Sure! I-aakyat ko lang 'to sa kwarto."

"Pag-akyat mo, 'yong pangalawang kwarto 'yong room natin, magkakasama tayo sa iisang room nina Sophia kasama si Miss Dela Cruz." pagpapaliwanag niya habang hawak-hawak ang mga utensils.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon