Chapter 23

28.5K 599 91
                                    

Chapter 23

Pagpasok ko sa unit ko ay kinakabahan pa rin ako. Pumunta tuloy ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom para pakalmahin ang sarili. Maybe this is because of what happened lately?

It has been an hour since that old man touched me, but I could still feel his hand on my leg so I went inside the bathroom for a shower. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko at parang diring-diri sa sarili.

Nagpalit ako ng damit pagkatapos kong maligo, handa na sana akong matulog pero narinig ko ang pagtunog ng doorbell kaya lumabas ako sa kwarto para tignan iyon. Pero hindi pa man ako nakararating sa front door, narinig ko na ang pagtulo ng babae kaya pabagsak na lang akong naupo sa sofa at tamad na sinandal ang ulo.

"Baaabe!" Tili iyon ni Jaile.

Alam niya ang password ng unit ko dahil madalas siyang napapadpad dito, kaya binigay ko na.

Tamad ko siyang tinuro habang halos mahiga na sa sofa. "Huwag kang maingay! Tulog na 'yung baby ko!"

"What?! So your hot CEO is here?!"

Napabangon tuloy ako sa sinabi niya. "Tanga ka ba? Anong gagawin no'n dito?" asik ko.

She laughed. "But you just admitted it, he's hot."

"No, he isn't."

"Why keep denying the fact?" She asked as she sat down the sofa, near my head.

Tumingin ako sa kisame. "I have nothing to deny."

"Sus," Sinamaan ko ng tingin si Jaile nang marinig iyon sa bibig niya.

"Bakit ba? Wala naman akong dini-deny," buntong-hininga ko. "May girlfriend na 'yon. Bakit ako maa-attract?"

"Sure ka? May girlfriend?" tanong niya.

"Oo," Pagkasabi ko niyon ay siya rin namang pagtunog ng cellphone ko sa ibabaw ng coffee table. Inunahan ako ni Jaile na kunin iyon kaya nilahad ko na lang ang kamay ko, hinihintay siyang ipasa sa akin ang cellphone ko.

"Oh..." She handed me my phone. "Okay ka lang daw ba? Sana all." Humagikhik siya.

Kumunot tuloy ang noo ko, nagtataka kung ano bang iyong nabasa niya dahil ganito na lamang siya kung kiligin.

From Mr. Velasquez:

You sure, you okay?

Kinabahan ako matapos kong basahin ang text message na galing sa boss ko. Sinulyapan ko muna si Jaile bago nag-type ng reply at halos mapa-irap na lang ako dahil kanina pa pala siya nakatitig sa akin, may mapang-asar pa rin na ngiti.

To Mr. Velasquez:

Yes, Sir. I'm fine now.

Pagka-send ko non ay limang segundo lang siguro ang lumipas, na-received ko kaagad ang reply niya.

From Mr. Velazquez:

Glad to hear that. Good night :)

"Sabihin mo good night rin, sweet heart. Tulog ng mahimbing kasi ... magkikita pa tayo bukas!" sabi ni Jaile habang nakapatong ang baba sa ibabaw ng noo ko, nakikibasa ng convo.

In-off ko na lang ang phone ko at tumagilid, tinakpan ko pa ang tainga ko dahil parang pamilyar at narinig ko na ang apat na huling salitang binigkas niya.

Nag-movie marathon na lang kaming dalawa para may magawa. Sabi niya kasi ay dito siya matutulog, niyaya pa akong pumunta sa mall bukas. Sumusubo ako ng chips habang tutok na tutok sa panonood ng romance movie nang magtanong si Jaile.

"Ano kayang feeling ng kiss?"

Muntik pa akong mabilaukan kaya kinuha ko ang C2 sa tabi ko para uminom. Naghahalikan kasi ang main characters sa movie kaya siguro naisipan niyang itanong iyon.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon