Chapter 11

34.6K 676 146
                                    

Chapter 11

"Umalis ka na nga! Dion Andrius, sumosobra ka na!" Pakunwaring naiinis na sigaw ko pero kinikilig. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Dion at inikot siya patalikod sa akin. Marahan ko siyang tinulak palayo para matigil na sya.

Napahinto siya matapos ang ilang maliliit na hakbang na nagawa ng pagtulak ko. Napa-irap ako nang muli niya akong hinarap. Ngumiti siya at tinuro na naman ang kabila niyang pisngi. I know now what will happen next.

"Dito pa sa kabila." nakabusangot na siya. Narinig ko ang mga malalakas na sigawan ng blockmates niya. Inaasar na tuloy siya!

"Spoil ka na masyado, lumayas ka na nga."

"I think I should call those girls now. I need the jealous-mode Thalia,"

My lips parted. Shocked.

"W-What? Are you insane?!"

"Am I? Maybe? Hinahalikan mo lang ako kapag nagseselos ka, so I guess you should be jealous everyday."

"Adik!" I yelled.

"Yeah. I'm addicted." He said as he playfully slid his thumb on my lips.

Hinampas ko ang kamay niyang nasa labi ko. Tumawa lang siya at nakipagtitigan sa akin na para bang walang taong nakakakita at naghihintay sa kan'ya.

"I really don't have any idea that I will be having this flirty-type boyfriend!" I rolled my eyes. Lumapit ako sa kan'ya at nag-aalala kong hinawakan ang magkabila niyang pisngi gamit ang aking mga kamay. "Baby, what's happening to you? Are you still fine? I thought I was the one who was sick here, but in fact it's you!" Marahan kong hinampas ang pisngi niya.

Bago ako tumalikod ay yumakap pa siya sa akin. Pinahinga ang baba sa balikat ko. "Ang cute cute ng girlfriend ko." bulong niya.

Girlfriend ko...

Para akong kinikiliti sa narinig kaya ay itinulak ko siya palayo at nagmadaling naglakad paalis dahil alam kong hindi siya titigil hangga't nakikita niya ako sa mga mata niya. Narinig ko pa ang pagtawa niya pero hindi ko na siya nilingon pa.

Damn!

Hinanap ko si Zy at nakita siyang nakatayo pa rin sa kinaroroonan niya simula kanina, kasama na niya sina Jaile, Akali at Tyron.

All of them are looking at me with a teasing smile, except for Tyron, who's emotionless.

"Ang landi niyong dalawa!" sigaw ni Zy habang papalapit pa lamang ako sa kanila.

"Pustahan! Si Thalia ang unang manganganak sa ating apat!" Jaile predicted.

I raised my brow at Jaile then floated with what she was saying. "Okay. Ilang anak ang magagawa namin ni Dion?" tanong ko habang nakalahad ang kamay sa kan'ya.

Akali laughed.

"Sabi ko sa inyo, e. Ako pa ang pinagbibitangan nyo no'ng high school, ah?" Siniko ko si Zy dahil para n'ya namang sinabi na handa na nga akong magpabuntis kay Dion nito!

"Tara na, guys! Bunch of foods are waiting for me today! I could smell it na!" Jaile giggled. Nagsimula na silang maglakad at hindi naman muna ako sumunod dahil pansin kong kulang kami kaya naglinga-linga ako at mula sa gilid, nakita ko syang malalim ang iniisip.

"Uy! Tyron anong ginagawa mo dyan? Libre na 'to ni Thalia, oh!" Inunahan ako ni Jaile.

Napatingin sya doon at umiling. "Uh, no. I forgot, may readings pa ako. Sorry, I have to go." Pagkasabi n'ya non ay mabilis syang naglakad paalis.

"Huh? Sabi niya free siya ngayon?" bumusangot si Jaile "Sayang naman!"

I heard Zy heave a sigh. "Hayaan niyo na muna."

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon