Chapter 09

30.7K 725 193
                                    

Chapter 09

Hindi ko pinansin ang lalaking humahabol sa akin at binilisan ang pagbaba sa hagdan. Pero nagkamali ako nang akalain kong hindi n'ya ako mahahabol dahil hindi pa man ako nakaliliko ... May mainit na palad nang pumulupot sa aking braso.

"Ano!?" Galit kong winaksi ang kamay n'ya.

"Why? What's the problem? Bakit bigla kang umalis?" Sunod-sunod na tanong niya na syang lalong nagpa-init ng ulo ko.

Bumilis nang bumilis ang paghinga ko at pakiramdam ko ay hinihingal ako kahit na alam ko sa sarili kong hindi ako pagod.

"Gago! Tanungin mo iyang sarili mo!"

Marahas kong tinusok ng tatlong beses ang dibdib niya habang binibitawan ang bawat salita. Napaawang ang mga labi niya dahil sa ginawa ko at hindi ako nagpatalo ... matalim ko siyang tinitigan.

Binalak ko na sanang umalis ngunit may sinabi syang tuluyang nagpabuga ng galit ko.

"It's just a game, Thalia..."

It was as if ... He's not pissed at what they did, and he might have enjoyed it. He enjoyed it.

Fuck.

Disappointment.

Pain.

Hatred has finally eaten my whole system and my nerves are furiously shaking.

"Yes! It's just a game but it damn hurt and pissed me, Andrius!"

Humugis ang ngiti sa labi n'ya kabaligtaran ng inaasahan ko.

"Are you jealous?" His eyes were narrowed.

"God hindi pa ba obvious?!" Malakas na sigaw ko. Huli ko ang pagkagat n'ya ng labi para pigilan ang pagngisi. "At ano!? Anong nakakatawa doon?!"

"Nothing, sorry. So you're jealous. I wanted to see you being jealous so I did it-"

"What?! Ginawa mo 'yon para pagselosin ako?! Hibang ka na ba, Andrius? You and that girl almost kissed! Tapos sorry?! Binabaliw mo ba ako?"

"If you can't accept my apology then, I can kiss you if that's what you..."

"Manahimik ka na pwede ba?!" Natigil ako ng ilang segundo. "Gan'yan ba talaga kababaw ang tingin mo sa akin para isipin mong halik ang hinihingi ko kaya ako nag-iinarte ng ganito?"

He blinked many times. Parang hindi alam ang gagawin.

"Nah. I'm sorry. I was just trying to lift up the atmosphere and that's actually a joke."

"Joke?!" May ngisi ang boses ko pero nagsisimula nang manubig ang mata ko. "Lahat naman yata, e! Nakakabilib ka. Bakit nga ba tayo umaalis? Bakit mo ako hinahatid? Bakit mo ginagantihan lahat ng panlalambing ko sayo?"

I shook my head.

"Kasi sa una pa lang ... Ang tingin mo sa akin joke lang. Na sa tingin mo lahat ng pinapakita mo ... Iisipin kong biro lang. Napaka tanga ko siguro roon sa mga oras na inisip kong totoo lahat ng iyon! Napaka-uto-uto ko noong inakala kong seryoso ka." Pagkatapos kong sabihin iyon ay hindi ko napigilan ang luha ko sa pagdulas pababa sa aking pisngi.

Huli ko ang dumaang gulat sa mata n'ya at naalarma sya roon.

"S-Sorry, I didn't mean to make you cry."

"Really? Hindi mo sinadya? You almost kissed tapos hindi mo sinadya!?"

Ayaw kong kumilos ng ganito. Pero hindi mawawala ang selos dito sa dibdib ko hangga't hindi ako nalilinawan. Kitang kita ko kanina ... Halos yakapin n'ya na si Jacy.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon