Chapter 35

33.1K 569 154
                                    

Chapter 35

Kinukusot ko pa ang mga mata ko dahil kakagising ko lang, napaka-aga pa at may pumindot na ng doorbell. Sabog pa ang buhok ko at hindi pa ako nakakapag hilamos dahil baka si kuyang nagtatanong kung puno na ba ang basura ko iyon.

I pulled the door open while removing the dirt that stuck in the corner of my eyes. "Wala pa po akong basura-" Nalaglag ang panga ko nang makita ang mukha ng lalaki. "Dion?"

He smiled hesitantly at me. "Hi?"

Mabilis kong sinarado ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

Nagsuklay agad ako at pagkatapos ay tinignan sa salamin ang mukha ko. Nang makitang maayos na ang itsura ko, binuksan ko ulit ang pinto at nandito pa rin sa tapat si Dion, nakapamulsa sya habang ang mata ay nasa ibaba, naghihintay sa akin.

"Bakit? May kailangan ka?" Bungad ko sa kanya.

Nagtama ang mga mata naming dalawa. "Uh, you're off today." sabi nya.

"Yeah?" I lifted my right brow. "So you're here to inform me of that?"

Umiling sya.

"You have one hour to get dressed. I'll wait you here." He said with authority.

Umawang ang labi ko. "Anong pinagsasabi mo? Wala akong trabaho ngayon, hindi ba? Off nga, e."

"I'll take you on a date."

Umayaw pa ako no'ng una pero nakita ko pa rin ang sariling naliligo, preparing myself for a date with him. Hindi ko na rin maintindihan at nahuhuli ko ang sariling nakangiti habang nagsasabon. Tumapat ako sa ilalim ng shower habang nabubuhusan ng malamig na tubig, nagpapakawala ng impit na tili.

Nag-make up rin ako ng light, iyong hindi nya mahahalata at iisipin nyang natural ang ganda ko. Lumabas ako sa kwarto at hinawi ng bahagya ang laylayan ng suot kong light purple na dress. And here's Dion sitting on the couch, staring at me obsessively.

Naglakad ako palapit sa kanya. "Saan ba tayo pupunta?"

"You've always been ... beautiful." Hindi nya sinagot ang tanong ko at tumayo sya habang inayos ang polo.

"Alam ko po iyan, Sir." sagot ko.

"Drop that 'sir' word." He commanded, giving emphasis to the third word. "As well as that "po". I seemed like an old man."

Tumapat ako sa kanya, hanggang sa kasing haba na lamang ng ruler ang pagitan namin. I lifted my gaze to meet his eyes and stared at him firmly.

"Boss pa rin kita. Huwag mong kakalimutan 'yon."

Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan iyon. Nanlaki pa ang mata ko sa pagkabigla kaya napalunok na lang ako ng laway. "Am I still your boss?"

I couldn't answer him for a moment, not until I finally got enough strength to speak. "Yes? Boss na mapagsamantala." Binawi ko ang kamay mula sa kanya at tumalikod.

"Thalia." Tinawag nya ang pangalan ko sa likuran at pinuluputan ang baywang ko gamit ang kanyang braso. Parang akong lumulutang sa ulap habang pinapakiramdaman ang dibdib nyang pinaglalapatan ng likod ko. "Baby,"

In an instant, I felt the sudden urge for comfort. Like sand floating when the wind slaps, like calm surroundings when the night comes, like soft snow when touched ... and like butter that melts when placed in a warm pot.

Bumaba ako sa kotse at tiningala ang napakalaking storage building na hinintuan ng kotse ni Dion. Nilingon ko ang lalaking kasama ko nang tumabi sya sa akin.

"Dito ang date natin?" I couldn't help laughing as I muttered those words.

Hindi nya ako sinagot at hinawakan ang kamay ko. He started to walk slowly towards the building so I followed while letting this man hold my hand.

As the Light Lies (Scholar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon